HARA ATASHA
39 WEEKS AND 6 DAYS
DUE DATE: AUGUST 3
DATE OF BIRTH: AUGUST 2
2.9kg
Share ko lang experience ko as a first time mom ❤️.
Grabi subrang hirap pala.. August 2 1:35 am nagising ako sa subrang sakit ng puson at balakang ko akala ko panaginip lang grabi subrang sakit at ang hirap kasi dugo lumabas sakin.. Kaya 4:50am pumunta na kaming lying in pag IE sa'kin 1cm palang pero subrang sakit na kaya pinauwi mona kami. So ayon sa bahay halos naiyak iyak na ako sa sakit imagine 1cm palang pero super sakit na talaga. Pero tiniis ko hanggang 3:00pm di kona talaga kaya super sakit na talaga patindi na ng patindi may lumabas narin na panubigan ko pero kunti pa kaya bumalik na kaming lying in pag IE sa'kin 3-4CM palang di na kami pinauwi tiniis ko talaga yung sakit hanggang 9:30pm don na talaga halos mahimatay na ako sa subrang sakit. Kaya sabi ko sa midwife ang sarap ng umiri tapos natatae na ako kada sakit ng puson ko yung yung na fefeel ko kaya pinasok na akong delivery room pag IE 8-9CM pinatagilid muna ako mga 20 minutes so ayon after 20 minutes Pinairi na ako din 10:20 pm lumabas na baby ko subrang sarap sa pakiramdam pag narinig muna yung iyak ng baby mo. Subrang thankful ako sa nagpaanak sakin at umalalay kasi subrang bait nila. At take note! Di ako nasaktan sa pag IE at pagtahi sa pempem ko ha ganon sila ka gentle 😂❤️. Kaya sa mga soon to be mom diyan kaya niyo yan pray lang talaga kayo🙏🙏.