immunization
Hahayst kawawa naman baby ko masakit yung both na paa nya na tinurukan may lagnat pa 😞 kailan kaya to gagaling mga mamsh?
Ganito ginagawa ko after every vaccine ni baby para hindi mamaga ng husto yung naturukan at para hindi masyadong tumaas lagnat nya. And payo din sakin ng tyahin kong nurse. 1. Lagi akong may baon na tempra every bakuna nya, pinapainom ko kagad sya after nyang maturukan, pain reliever din kasi yun. 2. Pagka uwi sa bahay, cold compress agad (yung tap water lang) kahit at least 1 hr naka cold compress. 3. When my baby's not feeling any pain (due to pain reliever) binabicycle exercise ko yung legs nya para kumalat yung gamot ay hindi masyadong mamaga yung may turok pag wala nang effect yung gamot. 4. Strict ako sa pag take ni baby ng gamot, dapat 5mins bago mag 4hrs napainom ko na sya ng gamot kahit tulog sya, gigisingin ko sya para uminom as long as may lagnat pa rin sya. Kinabukasan okay na si baby.
Đọc thêmbukas momsh gagaling na po sya. talagang puyatan po. check lagi temp, at painumin ng tamang dosage ng paracetamol. hindi po kailangan sobrang init nung compress, basta may init ok na.. tapos po salitan yan with cold compress din po. at syempre lagi sya punas punasan. kinaumagahan ok na si babym.
Lilipas dn ang lagnat nya momsh painumim nyo lng ng paracetamol every 4 hours then yung turok nya cold compress for 10 mins sa night at morning.
paracetamol po and warm compress sa injection points. yan usually bilin ng pedia ng anak ko. depende kung ano bilin po sa inyo
Paracetamol po every 4 hours for pain and fever relief and warm compress sa area kung saan sya nainject mommy.
Cold compress niyo po.. Usually after 24 hours mommy mawawala na po dapat yung lagnat😊
bukas lang yan magaling na yan ☺️ pray lang mommy ..
Same mommy. Di tuloy makatulog ng maayos si baby. Haay.
paracetamol every 4hrs inom tapos i warm compress mo .
Same here. 38 lagnat