269 Các câu trả lời
Ganyan din po samin dati. Here's our story Withdrawal kami palagi pero nabuntis pa din pa ako. 2months na pala akong hindi dinadatnan dati at nag tataka ako bat palagi akong gutom na dati halos ayaw kong kumain. Tanging haponan lang kinakain ko. Tyaka dun nako nag PT its positive subrang linaw ng 2lines and hindi ako alam kung anong magiging reaction ko natutuwa na naiiyak natatakot baka anong sabihin ng magulang namin. So pinakita ko sa bf ko yung PT and umiyak siya (20 YEARS OLD SIYA AKO 19 LANG NAG AARAL PA SIYA SA COLLEGE BSMAR-E) pinutol niya yung PT sabi nita fake yan daming PT na nagkakamali. Sumunod na araw parang wala siya sa sarili niya iyak dito iyak doon ayaw kumain tas ako pinapagaan ko lang loob niya nilalambing pinaparamdam na mahal na mahal ko siya tas yung baby namin pero ayaw niya sa baby pinapahawak ko tyan ko sakanya pero wala pang movements si baby nun dati kasi 2months palang. Nag usap kami gabe yun nagkita kami umiyak siya sabi daw palaglag kasi nga baka patigilin siya sa pagaaral gusto pa niyang makapag tapos maka sampa sa barko para daw sakin at sa magiging pamilya namin at para daw yung mga pangarap namin matupad. Pero wala eh sabi ko sakanya "nagka sala na nga tayo sa mga magulang natin tapos magkakasala pa tayo sa dyos? Malay natin love si baby yung swerte para satin may rason kung bakit binigay satin to ni lord kinaya nga ng iba tayo pa kaya" Iyak kami ng iyak hanggang sa sinabi ko sakanya "LOVE IWAN MO NALANG AKO AYAW KONG IPALAGLAG TO HINDI LANG NAMAN SAKIN TO EH SAYO DIN TO DUGO MO TO" Ayaw din naman niya kong iwan kaya ngayon 25weeks preggy na ko unti unti na niyang tinanggap at naging super supportive na siya maalaga samin ni baby. At palagi siyang natutuwa pag na hawakan na baby bump ko kasi nararamdaman niya yung kalikotan ng anak niya kinikiss palagi yung tummy ko. At yung sa parents namin ok na supportado kami at hindi siya pinatigil sa pag aaral. Sana ma motivate ka sis laban lang diyan din ako ng galing kasi kung talagang mahal ka ng bf mo hindi ka niyan iiwan kahit gaano pa kahirap yung sitwasyon niyo. Hahaha medyo napa haba gusto ko lang e motivate ka 😊 goodluck and godbless palagi mo lang isipan na ang baby na dinadala there's a reason kung bbakit binigay yan sayo. Mwaaaaa 😘
Be alam mo HS din ako dati nung sa first baby ko na namatay. I was 14 years old only. And tinago ko sa parents ko kasi sobrang strict nila and palagi nila akong sinasaktan everytime nakakagawa ako ng mali. Kaya natakot talaga ako at itinago ko yun. Inalagaan ko yung baby ko at sarili ko at yung bf ko non inaalagaan din naman ako pero tinago niya rin sa parents nya because minor ako and siya naman nasa right age na so natakot din siya na baka kasuhan siya ng parents ko ng child abuse. No check up ako nun and walang vitamins but i ate fruits and veggies. Yun yung ginawa kong way para alagaan si baby and me also. But di pa pala sapat yun. Mas mahalaga parin pala yung vitamins and monthly check up. Nakunan ako 6months tummy ko. Nagsisi ako. Sobrang iyak ko nun. And sinabi ko sa parents ko kung anong dahilan kung bakit ko tinago. And now, may baby girl na ako. 21 yrs old na ako 2months old baby ko. Nung umamin ako sakanila nung buntis pa ako pinagalitan nila ako na kailangan ko magpacheck up kaagad kase baka daw mangyare na naman yung nangyare saken dati. So gumaan loob ko na okay na sakanila na magkababy na ako. Advice ko lang sayo. Kahit high school ka man ngayon wag mo ipapalaglag yan. Biggest sin yan kay God. And lagi mong itatak sa utak mo girl na kahit anong gawin mong pagkakamali, tatanggapin ka parin ng parents mo. And maniwala ka saken, kapag lumabas yang apo nila sobra silang matutuwa. Mawawala ang galit nila sayo if ever man na magalit dahil nabuntis ka ng maaga. Goodluck and Congrats :)
Ay mamsh wag mo intindihin yan bf mo. Wlang balls at paninindigan sa sperm nya yan. Grabe nman paputok ng paputok sa loob di nman pla ready maging ama kakapanuod ng porn oh ayan pag naging tatay di kaya panindigan biglang ssabihin hindi anak naku naku. Dont mind that kind of person magsisisi yan sa huli once nailabas mo na yan baby mo kung wla ka maaasahan tulong dyan sa bf mo seek help from your parents for sure di ka nyan tatanggihan magagalit yan oo yes naman syempre at your stage and age siguro na dpat study ka muna pra magkaroon ng better future in the nextyears e kaso wla andyan na yan touchmove na yan, iaaccept at iembrace nalang natin sya into this world full of judgemental people. Sa lahat ng tao sa mundo parents lang ang kelan man never ka tatalikuran in case of this na kailangan mo ng tulong. Hayaan mo lang sila magsermon later on huhupa din yan wag nlang sumagot since sa kabila ng lahat may fault ka din kahit papano accept nlang. Pagpray mo din yan tatay ng baby mo bka sakali naalog kasi utak niyan bka kala laro laro lang at biro na ung palaglag thingy siya kamo laglag mo sa bangin.
Pano mo sya kukumbinsihin na ituloy ang bata? Siguro sa takot lang den kaya nasabe nya na gusto nya ipalaglag. Bukod don hindi pa den kase sya handa lalo pa at bata pa kayong dalawa. Bukod don yung galit ng mga magulang nyo natatakot syang harapin. Sabihan mo lang sya kung mahal ka talaga nya panagutan nya ang bata. Kase ikaw gusto mo ituloy which is mabuti naman. Sabihin mo den lahat nan consequences na mangyayare pero kakayanin nyo yun dalawa kase ginusto nyo nya gawin in the first place e bat d nya kaya panindigan. I assure mo sya na magiging ok den lahat lalo na kubg magtutulungan kayong dalawa. Ipaliwanag mo ano yung consequence den pag di nyo yan tinuloy. Sa part mo at sa part nya. Search ka den ng mga teenager parents pero nakaya nila ipagpatuloy na buhayin ang bata at naging succesful pa den at ishare mo un sa kanya. Pag nagawa mo yan lahat at ayaw nya pa den, nako isa sya sa mga lalakeng walang kwenta at itlog. Wala ka aasahan jan. Buhayin mo nalan magisa tutulungan ka nan parents mo kahit magalet man sila pag nalaman nila
Psalms 123 : 3-5 "Lo, children are an heritage of the Lord: and the fruit of the womb is his reward." "As arrows are in the hand of a mighty man; so are children of the youth." "Happy is the man that hath his quiver full of them: they shall not be ashamed, but they shall speak with the enemies in the gate." ang payo ko lang ineng, nagkamali ka na, wag mo na dagdagan ng isa pang pagkakamali. Yan ang consequence ng pagkakamali mo, pero hindi lahat ng consequences ay masama. Babies are blessings from God. Isipin mo nalang na ito ang way para maging responsible ka na. Kung panagutan ka man ng bf or not, makakaya mo naman syang buhayin, just be brave ang fami daming katulad mo pero kinaya naman nila! Oo mahihirapan ka pero darating din ang time na magiging easy na ang lahat. Basta wag mong susundan si baby hanggat di ka kasal at may maayos na trabaho, matuto ka nang mag control sa sarili mo hindi ka na magdedecide para sa sarili mo lang. God bless. Seek Jesus Christ,, he is the answer.
I got pregnant when i was 17yrs. Old , pero that time i'm really sure na kahit anong mangyari, kahit di ako panagutan ng tatay ng anak ko, kahit itakwil ako ng pamilya ko... from the day na naconfirm kong buntis ako ..... sinabi ko sa sarili ko na bubuhayin ko yung baby sa tyan ko kahit magisa lng ako.... and ngayon he's 7yrs. Old na, yung family ko tinanggap kami kahit pa sa una eh talagang galit sila, normal yun , pero pag kita nila kay baby? Naku sobrang tuwang tuwa sila... at sa tatay ng anak ko ? Asawa ko na sya, hindi niya kami iniwan... Siguro ang maipapayo ko sayo, kausapin mo yang bf mo ,then if still gusto niya padin ituloy yang pagpapalaglag ng baby niyo? I think that's a sign na wala syang kwentang lalaki, iwan mo na sya, wag mo na syang pagaksayahan ng oras , focus on your baby and alagaan mo sya, isipin mo yung sarili mo at yung baby mo... Sana wag mong saktan yung baby sa tyan mo , kasi may buhay na yan...
I feel you. My ex-bf gusto ipalaglag si baby. Nasa tamang edad na kami but he is a guy na marami pang pangarap. Sa kagustuhan kong makasama siya at first I tried. Pinabayaan ko sarili ko. But then narealize ko mali ang ginagawa ko that's why I stopped and hindi nya alam yun. In the end iniwan nya pa rin ako. His parents doesn't even know about us. Na yung anak nila nakabuntis pala. Haha. Guilty lang ako kasi nakagawa ako ng masama sa sarili kong anak. Ngayon bumabawi na ako kay baby hoping she'll be okay and healthy paglabas nya. Okay lang na walang support from him. (Tho I'm still hoping na maging okay kami. Haha. Char) Kung ako sayo, choose yourself and your baby. Blessing from above yan. Basta after giving birth be strong and don't give up sa dreams mo at para sa future ni baby. Kung ayaw nya sa bata. Leave him. Wag mong papakita sa kanya ang bata. Magsisisi din yang lalaking yan. Trust me.
Wag ' ituloy mo yan baby is blessing from god kung ayaw nya ikaw ang mag pursige para sa baby mo ikeep mo yan kase di lahat nabibiyayaan ng anak , wag mong isipin yong takot lakasan mo lang yong loob mo para sa baby mo ' like me diko alam ba buntis pala ko nun takot din akong malaman ng parents ko but alam naman ng partner ko yon nilakasan ko lang yong loob ko inisip ko yong anak ko kase kung ipapalaglag ko to napaka walang kwenta kong ina mas masahol pako sa mamamatay tao nun , but now naka survive kami tinanggap ng parents ko yong baby ko naging favorite pa nga e kase unang apo 😊😊 ngayon happy na kami mag tthree weeks na yong baby boy ko always happy and fighting kaya mo yan 😁😁 Mahirap man sa bandang huli ngingiti ka rin at masasabe mong worth it yong ginawa mong mabuhay sya kase mawawala lahat ng hirap at pagod mo pag nakita at hawak mo na sya 😁❤❤
Omg😩dyan madaling mag init ulo ko, madaming babae ang naghintay magkaanak, gustong mag kaanak pero hindi biniyaan at isa ako sa matagal na di nag kaanak ginawa namin lahat maibigay lang ang mithi ng aming puso❤❤tapos dahil sa kapusukan nyo may isang sanggol na hindi pa man maisisilang papatayin nyo na, 😭payo ko sau buhayin mo yan ikaw ang may katawan nasa iyo ang desisyon, kung susundin mo ang bf mo anong mangyayari? Magsesex kau after tapos mabubuntis ka ulit? Excuse my salty mouth pero nakakagalit tlga, buhayin mo yan paalan mo sa parents mo hiwalayan mo yang lalaki na walang bols na yan, walang pinagkaiba ang mabuntis ka ng hs ka palang sa mabuntis ka ng matanda na kana, pleeaaase maaawa kau sa baby🙏🙏🙏have a heart with your child, though you are not yet giving birth but conceiving a baby is a sign that you are already a mother😔😔😔
Luuuh ikaw ata yung kanina eh kinuyog ka sa comments section kaya nag dalawang isip ka...buti naman ano....pero pag ganyan ate ghurl sa nanay at tatay nyo kayo humingi ng payo....hndi kame ang tamang mag bgay ng payo sa inyo at sorry sa inyo makakatikim kayo dito ng masasamang salita kahit parents or guardians nyo makakatanggap ng masamang salita...ano ba yan eh hs ka plng pala hndi ba naituro sa inyo sa school yan o sadyang kinalimutan nyo para magpakasarap. Gagawa kayo ng desisyon mag sex pero pag nakabuo gusto myo kame mag dedesisyon para sa inyo ano ba ang tama at mali gusto mo ata makatikim ng hagupit ng lolo ko grabe mag disiplina yun cge ka ha🤦🤦.. ang tanging mapapayo ko lng ay mag aral ka maige...ituloy mo mag isa yan bata wag ka na umasa bf mo at gumagawa nlng ng dahilan yan...bata pa kayo dami nyo pa pagdadaanan mga lintek kayo.
Anonymous