Depression

Gusto kong umiyak, pero di ko magawa.. kasi alam kong di nmn ako kakalingain.. Gusto kong hindi madepress.. Pero di ko talaga mapigilan.. Gusto kong makawala sa apat na sulok.. Pero wala pang budget para makalipat.. Mahal ko ang newborn baby ko.. Kaya alam kong kailangan kong labanan itong depression na to.. Pero wala akong mapagsabihan.. wala akong mapag iyakan.. Lord wag nio po ako bibitawan..

Depression
11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Kaya mo yan Mommy. Ako po nag ka depression & anxiety nung nakunan ako last 2017. Kung anuman po ang pinagdadaanan mo ishare mo sa family or close friends mo. Wag mo po hahayaan na matalo ka ng depresyon. Dahil kailangan ka po ng anak mo. Gawin mo po syang inspirasyon para labanan lahat. Binigay sya ni Lord sayo at maswerte ka mommy ❤️ Palagi ka pong magdasal or makinig sa mga homily. If you are Catholic pwede po kayo makinig sa mga homily nya https://www.facebook.com/Padre.Fidel.Roura/

Đọc thêm

Psalms 34:18 The Lord is close to the brokenhearted;     He rescues those whose spirits are crushed. Kung ano man ang pinagdadaanan mo kapatid, I just want you to know na mayroon kang Diyos na malalapitan. Habang may Diyos may pag asa. Let go and let God. He will never leave us nor forsake us. Kaya mo yan mommy. Be strong for your baby. Blessing yan sayo. Can't wait what God has in store for you and your baby. God bless you mommy.

Đọc thêm
Thành viên VIP

simula highschool ako im already struggling from anxiety ang depression momsh. lagi ko sinasaktan sarili ko dati kase ayoko umiyak. ilang years ko nilabanan yung sakit na yun, hanggang sa nalaman kong may little angel na ako sa tyan nung january, nagkaron ako ng pag asa para mabuhay ulit. kaya momsh maswerte ka dahil may angel kna kaya labanan mo yan, pray lang kausapin mo si baby matutulungan ka nya para maunwind isip mo. 😊😊🙏

Đọc thêm
4y trước

ako din lagi nadedepress.. relate ako sa sinasaktan sarili.. buti hanggang sa isip ko lng ung suicide.. kasi naiisip ko pa rin na mali un.. lalo n at dito n si baby. thank you fod replying.. it really means a lot to me n may makausap at may nkakaintindi saki kahit sa chat lang po

isipin mo lahat ng pangako sayo ng Lord na hinding hndi nya tayo papabyaan. he died for us. ganon nya tayo kamahal. wag ka. papadala. sa depression once na binigay mo lahat yan kay Lord you have nothing to worry about. ang demonyo gagawin nya lahat para masaktan tayo hanggang mawalan ng pag asa. wag mo hyaan mang yari sayo un. lumaban ka at lagi mo iisipn kung gaano ka kamahl ng Dyos..

Đọc thêm
4y trước

salamat po sa pagreply.. it really means a lot na may makausap ako kahit sa chat lang.

Cheer up mommy! Isipin mo po madami kang reason para maging masaya, specially your baby! You can use this app as an outlet of your emotions. We are very much willing to help you. We are all ears on your problem. We are here to listen 😊 God loves you very much! Magdasal ka lng po mommy. God is hearing all our prayers. Godbless po

Đọc thêm

hello mommy! kya mo yan! isipin mo nlng lht naja xperience nyan pero nlagoasan dn nmn lht kya kya mo din mlagpasan yn. at c baby dpt gawin mo inspiration dhl may iba gusto magkababy pero ndi mabuntis, un iba namamatayn ng baby pero kaw ayn may baby kna... cheer up! ikwento mlng dto sa tap pra kht oani gumaan un loob mo...

Đọc thêm

virtual hugs mommy. offer mo lahat kay Lord, mawawala depression mo. yan talaga ginagawa ko. wala tayo matakbohan iba. siya lang makatulong sa atin. mommyyýýy God blesssssss you❤

Hey, stay strong. Kaya mo yan, isipin mo palagi si Baby. She needs you and di ka pwedeng mag give up basta basta. You can vent out here.

4y trước

aun nga po sana di maapektuhan milk output ko ng depression na to. salamat po

Thành viên VIP

mahirap po talagang lampasan ang depression pero tibayan na lang po natin ang sarili natin para sa baby.

4y trước

thank you po. sana nga po malampasan ko ulit to.

Cheer up mommy! Always pray, everything will be okay. ☺️❤️ trust God lang mommy always.