salamat sa magbabasa

Gusto ko ng kumawala pero kasi buntis nanaman ako pangalawang baby nanamin to. Sobrang nahihirapan nako. Sa family ko pati sa relasyon namin. Aminado ako nakagawa din ako ng mali pero pinagsisihan ko yun nagawa ko un kasi sobrang sakit mga nagawa nya sakin. Yung dati ung 1st baby namin nung nabuntis ako gusto nyang ipalaglag at hiniwalayan nya ko. Nagpatulong ako sa friends ko na kilala din sya para hanapin kasi nagtatago na sya. Yung time na yun 16 lng ako sya 19. 3months bago ko sabihin sa magulang ko kasi wala na tlga akong mahingian ng tulong. Sinabi ko sa mama ko humanap ako ng time na kami lmg dlwa sa bahay. Nung sinabi ko hnd nman sya nagalit sakin ng sobra ang masakit lng sakin itatago nila ko at ppuntahan namin ung bahay ng tatay ng baby ko at sasabhn na nabuntis ako at doon muna magstay. Tinago nila ako hangang sa manganak ako sa pagbubuntis ko di rin naging maayos ung emosyon ko non lagi nlng ako malungkot at naiyak dahil andon nga sya kasama ko pero hnd ako ung inaalagaan nya kundi bisyo at tropa nya isama na ang mga babae nya. Ilang beses ko syang nahulihan ng babae pero sya pa galit. Siya pa nagalit sakin nung kinakausap ko na yung babae. Akala ko kapag nakita na nya anak nya magbabago na sya pero mali ako meron parin pala syang babae. Yung babaeng un magpinsan pa ata silanalalaman ko na may nangyayare sakanla kasi kitang kita ko mga chat at txt nilang dlwa. Naghiwalay kami nakagawa ako ng di nya magugustuhan dahil sa sobrang sakit narin ng mga gnwa nya hnd ko na alam sa sarili ko na mali na rin pala gnwa ko. Nakipagkaibigan ako sa kaibigan nya tpos nalamam nya na may nangyare sakin hnd ko na alam gngawa ko non kasi lasing na lasing ako. Pinatawad nya ko, pinatawad ko din siya. Pero sobrang hirap magsimula ult non kasi lagi nlng may ungkatan. Nagsisi ako sa gnwa ko, nagbago ako. Siya hindi ko alam kung nagbago na ba tlga sya. Ilang buwan makalipas nagiging cold nanaman sya sakin tama ako may iba nanaman sya. Kami pa pero nalaman ko leave in dw sla non bago nya. Alam pala lahat na wala na kami. Kasi nga ako nagaaral pati trabaho kaya hnd ko na din nasusubaybayan sya kung ano ano bang pinagkakaabalahan nya at hnd rin ako napunta sakanla. Sakit sa mata kasi akala ko nagbago na sya. Hanggang sa pinalipas ko hinayaan ko sya kung san sya masaya sige. Hnd ko parin pinagdamot anak ko saknya pinapahiram ko parin sakanila. Hanggang sa nalaman ko nlng na parang naghiwalay na sla pero patay na patay parin sya sa babae pero nagpakatanga ko nagpapagalaw parin ako sknya ako pa napunta sknla nasa isip ko ok na to kesa nman iba pa gumalaw sakin. Pero palihim ako napunta saknla. Kasi alam nga ng lahat wala na kami pero para sakin kami pa. Tanga ko sobra diba. Naghiwalay nga sila ilang araw makalipas nagsimula ult kami pinatawad ko kahit hnd nman nahingi ng sorry sa gnwa nya. Ilang buwan din nagdaan bago sya mambabae ult kada iba work nya may nakakalandian tlga sya d na nya maiwasan pero eto tanga ko e siya parin kahit alam kong may babae sya nakikipagsex ako sknya kahit ilang beses kong nakitaan ng chikinini. Diba ako na ata yung pinakatangang nilalang. Hangang sa dumAting ung oras na naisip ko titigil to kapag nakabuntis to. Ayun nga tama nga ako. Huli ko lahat txt at chat sa ibat ibang babae at eto pa yung past nya na magpinsan at ung fb name ng girl kinuha pa apelyido nya nakakachat parin nya at nakikipagkita nanaman sya as in ngyon random girls tlga sabay nung babaengdinala nya pala sa bahay nila na andon pa anak ko ayun nga ung nabuntis na pwedeng sya ung ama. Dinala pa nya sa motel kung san kami dati nagccheck in. Ang sakit kasi kitang kita ko lahat ng txt nlang dlwa hnd sya nagbubura ksi alam nyang di ko mabubuksan ung cp nya kasi may password. Hangang sa dun na ko napuno d ako nagssumbong kahit kanino sa magulang nya wala kasi alam nila eh masakit sakim kasi anak nila kinukunsinti nila. Hanggang sa pati anak ko nilayo ko na sknla. Sumama loob ko pati sa magulang nya. Talaganh di ko pinahiram anak ko at d tlga ko humarap sknla . Kasi pag humarap ako saknla makakapgsalita lng ako ng d maganda eh may edad narin magulang nya. 6months makalipas naging malambot nanaman ako. Pinatawad nanaman sya at gumawa ng rules at kung ano ano pa. Para lng makapagsimula ulit. Ang bobo ko no? Pwede judge ok lng. Alam ko nman. Hanggang sa ako pa humingi ng sorry sa magulang nya kahit hnd nman dapat ako humingi ng sorry kasi kasalanan ng anak nla yon at pati rin sila may kasalanan din. Hangang sa umokey nako saknla na ako nagstay kasi magulo din sa bahay kasi nakikitira lng kmi sa lola ko. Hanggang sa ngyon buntis nanaman ako sknya 4months. :( sobrnag nagguilty ako kasi dko pinakinggan mga kaibigan ko ilang beses nya nakong nasaktan pero eto nanamn nagoabuntis nanaman ako :( dko na alam nappuno na ko ng galit at sama ng loob

15 Các câu trả lời

Oo, sis. Buti alam mo na ang tanga tanga mo! Sana matuto kang mahalin at unahin sarili mo pati na rin si baby. Sobrang toxic ng relasyon niyo tapos ikaw nagpapakatanga ka pa, tapos ngayon nagpabuntis ka ulit sa walang kwentang lalaki. Utang na loob kung paulit-ulit niya iyan ginawa kawawa lang kayo ng mga anak mo. Sa tingin mo siguro magbabago siya, no? Nope, learn to stand up for yourself, ateng. Hindi na uso martyr ngayon, ‘wag ka na magpakatanga ulit. Pangalawa na yan sana man lang huwag ka magpakalusyang sa ganyang lalaki kasi in the end ikaw at yung mga anak mo ang kawawa. At isa pa, dami na pala ka torjak nyan tapos nagpapagalaw kapa? Hindi kaba nag iisip baka mahawaan ka ng sakit? Huwag mo gawing excuse na at least siya lang yung ka sex mo, jusko. Napaka desperada mo. I hope matuto kang mahalin sarili mo without that boy. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo and wag ka na magpabuntis ulit. Jusko. Pinapatay mo lang lalo sarili mo niyan.

sa hinaba haba ng kwnto sumatotal mahal mo kaya patuloi ka nagpapakatanga. ano po ba payong gusto mo yung praktikal o makatotohanan? kng praktikal, hmiwalay ka kayanin mo.mg isa kht buntis k ksi gnusto mo yan. ikw at ikw lng tlg ang sasalo ng lht ng hirap at sakit ksi ikaw nglagay s srili s stwsyon n yn. samahan nten ng makatotohanan.. tanggapin mo momsh na toxic yung lalaking kinababaliwan mo. kung wla k awa s srili mo maawa k mn lng d mga ank mo. ako sa totoo lng naaawa ako syo. pro wla nmn iba masisisi kundi sarili mo e, isama kita sa prayer ko. nawa ang maging klaro sa isip mo ang lahat. magsimula k ksma ng anak at mgging ank mo ng kyo lng wlang partnernn toxic. d kyo pbabayaan ni Lord. mag pray ka pra magkaron ng kaliwanagan syo ang mga bagay bagay. Godbless you

alam mo sis kahit na ano pa ang gawin mo hindi na sya magbabago, wag kana magpaka tanga sa kanya sorry for the word kase dapat mas mag focus ka sa dalawang anak mo, hindi kaba napapagod sa ginagawa nya? I think hindi ka talaga mahal ng lalaking yan kase kung mahal ka hindi sya paulit ulit na manloloko.. hindi mo deserve ang ganyan, malay mo kapag pinalaya mo sya may mas better pa na darating sayo, at pag nangayre yun who you na yang walang kwentang lalaking yan.. isipin mo na dahil din sya mga anak mo ang mag sasuffer kawawa naman sila.. hindi na kase healthy relasyon niyong dalawa sorry ha pero toxic na sya.. kawawa yang baby mo sa tummy mo kung paulit ulit ka magpapakatanga sa kaniya..

Alam mo naman na pala at ramdam na ramdam mo na nagpaisa kapa🤦‍♀️ hindi mo na dapat inulit pinatawad mo pa🤦‍♀️ marupok din naman ako pero di ako ganito mag isip. Sis, kung ako sayo iwanan mo na kesa naman mag parami kayo ng mag parami di ka naman pala mahal. Ano nalang ssabihin ng anak mo? Sasabihin sa anak mo kapag lumaki na diba? Diko sinasabi to para sabihin na perpekto relasyon namin. Sinasabi ko to kasi girl promise, ang ending nyan magiging kawawa kayo ng baby mo.

VIP Member

Choice mo na yan. Mukhang paninindigan mo na din ang pagiging engot *sorry po* kasi kahit ano sabihin namin dito ikaw pa din masusunod magulang mo nga parang di mo sinaalang alang eh. Kaya go lang. Umanak hanggang kaya mo tikisin ang buhay mo dyan. Wag lang sana magkasakit dahil kung sino sino ka sexual contact ng malandi mo kinakasama magkatulo pa yan oh ano. Hay naku. Hindi pagmamahal tawag dyan katangahan na.

VIP Member

Lahat talaga dumadaan sa ganyang level. Dumaan din ako jan pero kapag nag decide ka na ayaw mo na sana panindigan mo. Mahirap yun sa una pero pag nalagpasan mo na yung pinaka mahirap na part sobrang fulfilling sa pakiramdam na hindi na nakadepende ang happiness mo sa ibang tao. Palayain mo sarili mo sa sakit at lungkot na ramdam mo ngayon. Ikaw lang makakagawa nun sa sarili mo. Gudluck sayo at sa baby mo.

VIP Member

Kung alam niyo pong mali na, sobra na, umalis na kayo. Hindi hadlang ang pagbubuntis mo ng pangalawa para kumawala ka. If financial ang reason, obligahin mo si lalaki na suportahan anak niyo. Do not be dependent on him financially and emotionally. Kailangan mong magdesisyon. Will you stay or will you leave? Dapat wala ng pagdadalawang isip pa.

VIP Member

Unang una bakit mo kasi pinipilit sarili mo don sa lalaki. Halatang halata na ngang yaw nya sayo gaganyan kapa. Kaya tuwang tuwa sya kasi naghahabol kayo. Mag isip nga kayo 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️

Naku sis sarap mo kutusan. Pero hayaan mo na sya di na magbabago yan worst mahawaan kapa nyan pag nagkasakit sya. Hingi ka nalang sustento then iwan mo nalang si baby sa nanay mo at magwork ka.

Di ko na tinapos kasi kalagitnaan pa lang alam ko namang eengot engot ka at babalik ka pa rin. Kaibigan mo nga di ka pinakinggan napagod na din sayo.

Wala kasing respeto sa sarili kaya ganyan.

Câu hỏi phổ biến