Gusto ko na talaga bumukod kasi sobrang hirap makisama dito samin. Pakiramdam ko, hindi counted ang opinion ko dito. Sobrang hirap mag suggest kasi nagiging masama ang dating sa kanila. Kagaya nalang kanina.
Yung kapatid ko kasi nasa ibang bansa. Tapos nandito ang anak nya nakatira sa Pilipinas sa tintirhan ng mama ko na bahay din ng kapatid kung isa. Online class na, may isa syang anak na ubod ng tamad. Hindi umaalis ng kwarto palagi lang nakahilata at nakikipag usap sa gf nya at nag lalaru ni hindi nga kumakain kasi inuuna ang pag lalarun. Pero hindi naman yan ang issue. Ang issue is palagi nya pinapasagutan sa nanay nya ang mga assignment, Quiz at kung anu anu pang activity.
Tapos yung nanay nya sa akin pinapasagutan. Una, kinausap ko ang anak nya. Na kapag kailangan nya ng tulong lumapit sya sakin at igaguide ko sya. Pero hindi pwde na ako yung mag sasagot or gagawa ng mga kailangan nyang gawin. Pero hindi sya nakinig sakin at doon pinapasa pa dn nya mga activity nya sa mama nya para mama nya mag sagot kaso busy kasi ang nanay nya kaya pinapasa nya sakin para ako ang gumawa at mag sagot. One time may pinapagawa ang anak nya at pinasa nya sakin medyo nag buffering ako that time kasi long essay pala ang kailangan kaso wala ako maisip maidugtong sa nasimulan ko na sentence kaya hinayaan ko muna naisip ko balikan ko nalang mamaya. Kaso nakalimutan ko gawin ang activity ng anak nya kasi busy dn ako sa pag aalaga sa anak ko at paglilinis ng bahay, pag huhugas at kung anu anu pa. Then nawala na sa isip ko at kinubukasan ng umaga ko nalang sya naalala at minadali kong gawin at pinasa sa kanya pag katapos.
At kinubukasan. Kinwestion ako ng nanay nya bakit ngayon ko lang pinasa sa kanya. So sabi ko, madami dn kasi ako ginawa kahapon kaya nawala sa isip ko. At sabi ko pa baka pwde wag nya sanayin yung anak nya na siya ang nag sasagot ng module or activity nya kasi hindi matoto anak nya paanu dumiskarte at naasa nalang satin. Paanu nalang pag nag face to face na, wala naman tayo dun para mag sagot ng kailangan nyang sagotan. Tapos para mawala yung tense nag biro pako na anu bayan! Tapos na nga ako mag aral. Mag aaral pa pala ako ulit. Tapos ayun nagalit sya ang dami ko daw sinasabi nakikiusap lang naman daw sya sakin.
Sobrang hirap mag nakikisama talaga. Siguro nga may mali sakin. Palagi kasi ako na mimisinterpret ng mga tao dito sa bahay. Sana next year makabukod na talaga kami. Pero sisikapin ko talaga makabukod kami kahit anung mangyari.
Mga Nay? May mali ba sa sinabi ko? Sobrang stress talaga ako. Kasi sobrang hirap ako ipaintindi palagi side ko sa kanila. Minsan parang ayaw ko nalang talaga mag salita para wala nalang madaming sasabhn.
Lucky Chan