Stress sa pamilya

Hi. Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob, kahit na walang pumansin neto okay lang.. nakatira ako ngayon sa family ko, ung asawa ko di kame magkasama dahil stay in sya sa trabaho. Ngayong may pandemic ako lang may trabaho sa pamilya namen kaya saken lang din sila naka asa. Ang kinasasama lang kase ng loob ko ung ugali ng nanay ko, panay ang parinig pag wala ng hawak na pera. Pag araw ng sahod ko tahimik sya pero makalipas ng 3 araw di na nya ko papansinin kase wala na syang pera tapos panay na ang parinig nya. Naiistress ako kase 6 months pregnant ako. Kahit pagod na ko pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang may mabigay ako sa pamilya ko, sa totoo lang pagod na pagod na ko. Kakayanin ko naman sana kahit nahihirapan na ko dahil kahit pang budget ko binibigay ko na sa nanay ko pero may naririnig parin akong salita. Nakakasama lang ng loob pati ung asawa ko nagbibigay ng pera sa nanay ko pero pag naubos na ung pera di na nya kame kikibuin mag asawa. Kaya minsan nahihiya na din ako sa asawa ko, sinasabe ko na lang na wag na muna sya kumaen samen dahil puro parinig ang nanay ko. Gabe gabe na lang ako umiiyak kase nahihirapan ako pasanin ung pamilya ko, 6 kame sa bahay, sa dami namen di sumasapat ung kaya kong ibigay.. naiiyak ako sa hirap ng buhay na dinaranas namen ng anak ko. Hindi ko magawang umabsent kase nanghihinayang ako sa sasahurin ko, wala akong ibang choice kundi magtrabaho. Sobrang pagod na ko. Please pray for us ng baby ko, sana kayanin namen to. 😭😭

29 Các câu trả lời

May mga nanay tlga na ewan. Imbis sila tong marunong umintindi, sila pa source ng heartaches natin. My mom also does nothing but terrorize my life, di ko din alam bat sya ganun sa akin.

Hindi mo na responsibility pamilya mo.. umalis kana dyan te.. puro sama lang pala ng loob ang binibigay sayo dapat ipunin mo na lang yung ibibigay mo sa kanila.. kaya na nila yan..

nkaka lungkot naman yan inbis na sana mag ipon kyo ni lip nyo for baby nappunta pa sa mama nyo bukod na lang po kayo mommy pra bawas stress my ganyan po tlga nanay 😔

Grabe naman po yan. Pag naka luwag luwag po siguro kayo bumukod nalang po kayo ng hubby mo. Nakaka stress po yan para sainyo at kay baby. Ingat ingat nalang po.

magbukod na lang kau.. mas makakahinga ka ng maluwag kung malayo ka sa pamilya mu.. mas makakatulong sau kung may peace of mind ka..

Napaka-toxic ng style ng ibang magulang na inasa na lahat sa mga anak nila. Aba, investment ang anak? Retirement plan?

Sobrang totoo to. Napaka toxic. Ganyan din samin. Naging retirement plan kami 🤷🏻‍♀️

Bumukod nalang po kayo para iwas stress at for sure kahit kokonti lang makakaipon pa kayo

Sana mabasa to ng mama ko. Pareho sila ng mama mo eh 😥

VIP Member

bukod nalang kayo ng asawa mo best way.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan