14 weeks pregnant

Gusto ko lang po sana ishare about po dito sa pang 4th na ipinagbubuntis ko. Month of april and May naging abnormal po ang mens ko. April na delayed po ako ng 2 weeks so akala ko buntis ako kasi nagstart narin akong mahilo halos araw2x kaya nag pt ako negative naman, after 2 days nagkamens na ako kaso hindi ganun kalakas. Ganon din nung May delayed din ako ng 10 days pero nagkamens din nman ako mahina parin at tuloy2x parin akong nahihilo kaya nag pacheck up na ako sa hospital ng May 30 pinag pt nila ako baka daw buntis ako pero nega ulit. Month of June hindi na ako nagkamens pero minsan nag spotting ako hindi ko nlng pinansin, pero ng mga 3rd week of june napansin ko yung right boob ko lumaki at parang kumikirot at pumantay sya sa left boob ko, malaki kasi left boob ko kasi nag bbf pa ako sa bunso ko. Kaya naisip ko baka buntis ako kaya nagpt ako at positive. Nagpa ultrasound ako netong August 14 para malaman ko kung ilang weeks na si baby, expected ko mahigit 1 month pa lng sya yun pala 14 weeks na sya ibig sabhin month of May buntis na ako sira siguro yung pt na ginamit sa hospital kaya hindi nabasa. Kaya ngayon nag aalala ako para sa baby ko kasi yung month of may at june nagiinom ako ng alak hindi ko kasi tlaga alam na buntis na ako nun.? tapos late narin yung pag inom ko ng obimin kasi importante yung folic acid mula 1st to 12 weeks ng baby para hindi sya magkaron ng defects. Pero sabi ng dr ko wag daw akong magalala hahabulin nalng daw namin kaya 3 ngayon vitamins ko obimin, pharex b complex at prenat. Pero kasi yung obimin 1000 mcg na ung folic acid tapos yung prenat 400 mcg kaya sobra2x na yung folic acid na naiinom ko eh makakasama pala sa baby ung sobra sobrang folic acid kaya inistop ko muna pag take ng prenat. Ang tanong ko po ehh meron po ba ditong mommy na nakapag take sa kaparehong vitamins ko at yung nagiinom ka pa ng alak na hindi mo alam na buntis kana pala? Kumusta naman po sa inyo ung vitamins at si baby nyo po kumusta? Pasensya na po kung napahaba nag alala lang po talaga ako para sa baby ko gusto ko rin po kasing malaman kung may kapareho ba ng situation ko. Salamat po sa mga sasagot.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes po bakit naman po kayo nag iinom while breastfeeding. Hindi ko po alam kasi sa akin obimin lang ang nireseta pero meron akong nababasa dito na bukod sa obimin nagttake pa din ng separate na folic acid.

Hindi naman po ako umiinom ng marami tag 1 bottle lang po kami ng mr ko, saka beer naman po iniinom ko at nasasala naman po yun kaya hindi naman po yun nakakasama.

Thành viên VIP

khit hindi po nyo alam buntis kayo pero sabi nya ngpapabreastfeed kau, bakit po kau ngalak? bawal din po un

5y trước

Kunti lang po iniinom ko 1 bottle lang ng beer. Saka po yung barley para magawa ng beer eh nakakatulong po para ma stimulate ang prolactin natin para mas magawa pa po tayo ng mas maraming milk.🙂