LOW LYING PLACENTA
Gusto ko lang ishare mga mii na nakita sa tvs ko today na I have a low lying placenta at 13weeks. Kaya pala everytime na mag poop ako at medyo napa-ire ng bahagya eh may brown discharge sa pems ko. Same din kapag matagal akong nakaupo. Nag spotting din ako. Pero once na ihiga ko naman na, tumitigil na din. Actually parang patak lang naman talaga yung discharge ko. Pero kasi ang pelvic pain ko super grabe umatake. May time na talagang super sakit need ko pa hanapin tamang pwesto ng paghiga para lang macomportable. Anyway, ayun sabi ni Doc bed rest talaga iwas muna maglakad lakad ng matagal, umupo ng matagal, iwas din muna magbuhat mabugat at wag din masyado paka stress. At inumin lahat ng prenatal vitamins. Dahil habang lumalaki naman si baby may chance na tataas naman din yung inunan dahil sasabay sa paglaki ni baby. Kaya kung sino man dito same case with me. Pahinga lang mga mii, wag paka stress and pray everyday. Because with God all things are possible. 🙂🙏🏻