Just got my TVS result.
Super saya na malaman na buntis talaga ako at hindi nagkakamali si PT ? Base sa computation sa Health Center, 9 weeks and 5 days akong buntis from my LMP which was on December 28, 2019. Pero malinaw sa ultrasound, #6WEEKS pa lang si baby sa tiyan ko. Pero nagworry ako about what my OB-Gyne told me this morning, na muntik nang maging ECTOPIC PREGNANCY. Buti na lang daw bumaba baba si baby pero need pa rin po ng monitoring kasi kailangan ay medyo gumitna pa daw si baby dahil kung titignan po ninyo sa isang sonogram photo ko, nasa RIGHT CORNER siya ng aking uterus. My next appointment with the OB-Gyne will be after 2 weeks para daw makita kong may improvement. Well anyways, sa kabila ng worriness, masaya akong malaman na may HEARTBEAT na siya @ 6 weeks. And I am praying na sa next visit ko kay doktora ay maging okay na ang lahat ???
One thing pa po, meron po kaya dito na may same case sa akin? Na CORNUALPREGNANCY ang findings ni ObGyne pero gumitna naman si baby after few weeks? Or kung hindi man at nanatili si baby sa right or left corner ng uterus nyo pero naging okay naman si baby at naging normal ang pregnancy nyo, pwede po kayong magshare sa reply section. Salamat ?
Ju DL Barrameda