Hi Good morning, sino po ba dito na may same case with me currently 10 weeks preggy grabe na kasi ung pagsusuka ko at dizziness ko samahan pa ng acid reflux i know naman normal sya bilang isang buntis pero may takot sa part ko kasi nahihirapan na po talaga ako una sa PAGSUSUKA ko may ACID REFLUX po kasi ako di ako umiinom nga gamot kasi ang OB ko ay nasa antipolo at ako ay nasa Caloocan so ngpacheckup ako dito at nagtanong kung pwede uminom ng gamot ang buntis kung may acid reflux like maalox sabi wag na lang daw, ginawa sinunod ko naman ung mga payo tungkol sa buntis na may acid reflux like kumain ng small meals wag muna hihiga after kumain wag kakain na hindi pwede sa may acid reflux at water pero eto na po kasi nangyayari ginagawa ko naman sya kaso yun nga after ko kumain mga dalawang subo pa lang susuka na ako or kapag kumain na ako at after q 2-5 mins iinom ng water susuka na ako lahat na lang ata ng pinapasok ko sa bibig ko sinusuka ko na,pinipilit kong wag sumuka kaso wala talaga lalabas talaga ang ending natatakot na akong kumain at uminom ng tubig pero pinipilit ko kasi wala ng vits makukuha si baby at yun ang worse madehydrate ako eto pa sa sobrang pagsusuka ko grabe ung hilo ko ung parang may hangover ang dating kaya lagi na lang ako nakahiga madalas at bumababa na din po ang timbang ko baka po mabigyan nyo ako ng mga HOME REMEDIES na makakapagEASE ng pagsusuka ko at para sa acid reflux ko or payo na lang po pano naovercome to gusto ko po talagang kumain kaso ayaw ng sikmura ko ung mga pinapasok dito (bakit di ako pumunta sa OB ko?) Kasi po nakacommunity quarantine po ang NCR so wala po kaming sasakyan actually next week pa balik ko sa OB ko para sa checkup kaya gagawan ko na lang ng paraan para makapunta sa checkup ko or makapagpacheckup sa iba. Salamat po sa tutugon. Godbless po
Jeniffer Santiago