paadvise po..

good morning po.sorry medyo mahaba ask lang po ako ano ggawin ko.dito na kasi ako nakatira sa bahay na pamilya ng boyfriend ko.since maselan ang pagbubuntis di na ko pinagtrabaho ni bf.kaya ako ang laging naiiwan dito magisa.kasi may mga trabaho mga kasama ko dito.tuwing gabi ko lang sila nakikita. nahihirapn na po kasi ako gantong sitwasyon.madalas kasi akong nahihilo at sinisikmura.eh ako lang lagi magisa dito.minsan pakiramdam ko magcocolapse na ko sa sobrang hilo.nagaalala ako pano pag nangyari nga un at ako lang magisa dito.tsaka po sa usapng pagkain naman,minsan po kasi hindi nakakapamalengke,minsan wala ako maiulam dito.minsan nalilipasan ng gutom.hindi ko po alam pero dala na din siguro ng pagbubuntis, hindi sa pagiinarte,minsan kahit naman may ulam hindi ko talaga gusto.parang mas hinahanap ko ung luto ng ate ko dun sa tlagang bahay namin ng pamilya ko. madalas din po past 10 or 11pm na nakakauwi mga kasama ko dito. sila po kasi bumibili ng ulam kaya minsan kahit gutom na ko aantayin ko pa sila dumating para makakain na din ako.madalas po nanginginig na ko sa gutom.pero wala e,kelangan ko magantay.syempre nakikisama kasi nakikitira lang ako dito. kaya kahapon di ko na talaga nakayanan tumawag ako sa ate ko.sabi ko lutuan nya naman ako ng ulam na gusto ko,(ulam na hinahanap ko kasi buntis lang po).di ko napigilan at napahagulgol nalang ako sa ate ko at nakwento ko nga na ganun ung nangyayare saken dito.sabi tuloy ng ate ko uwi nalang ako samen.at least dun may makakasama ko lagi.malulutuan ako ng mga gusto ko ulam.mabibilhan ako agad ng gusto ko kainin.dito po kasi malayo ang palengke.kaya po parang gusto ko din tlaga umuwi samin kahit isang linggo lang. kagabi po nagpaalam ako kay bf. ayaw nya ako payagan kasi may sama sya ng loob sa mga kapatid ko.kasi nga daw nung time ba dinugo ako at sinugod sa ospital di man ako nadalaw ng mga kapatid ko.naiintindihan ko naman ung pinanghuhugutan nya pero kasi ung sitwasyon ko nga po dito,nahihirapan na ko. patulong naman po.uuwi pa din po ba ako samin kahit na di payag si bf. o dito nalang ako kahit nahihirapan na ko sa gantong sitawasyon.naiisip ko din kasi epekto kay baby na lagi kaming di nakakakain ng tama sa oras. thank you

12 Các câu trả lời

mas mahirap yun nkapanganak kna at wala mgAasikaso sayo sa bahay, until 37weeks ko ngwwork pa ko pero ngluluto at ngliligpit ako samin, pero ng manganak ako, feeling ko baldado ako kc khit almusal ko di ko maasikaso kc nga po may baby at mahina p tlga katawan..kung ngayon plang di mo n maasikaso sarili mo, mas lalo pg nanganak ka, bka dun ka lalo madepress..mas mabuting umuwi k muna senyo or ensure ng bf mo my mag-aasikaso sayo. saka dapat di mo din inaasa sa mga kasama mo pgkain mo, pano kng wala umuwi, di ka din kakain? dapat mgStock ka ng ready to eat food, kahit tinapay, biscuit..ikaw lang din makakatulong sa sarili mo

Wala po ba kayong ref na pede ka mgstock ng food or khit gulay na pede mo maluto pag wala sila or any biscuit na gsto mo gatas ganun bakit ka mgtitiis ng gutom tapos ikaw na din po my sabi na ok ka sa ate mo or sa bahay mo kung mahal ka ng asawa mo since wala ka kasama isa alang alang din nya lagay mo khit pano at kung ayaw niya talaga will need nya mgprovide ng mga need mo incase magutom ka incase na my mgyari atleast my cash na pera mga ganun kc kawawa naman ang baby mo kung nagugutoman ka tapos yung mga food na gsto mo dimo manlang matikman

Buntis k... unahin mu muna sarili mu... qng d magawan ng paraan ng bf mu un foodie for a day bgo xa pumasok s work... pauwiin k muna nia s inyo... ang hirap kea taz mya2 k gutom... taz maselan kp... kz minsan kahit my food n s harap pg d mu xa type d mu kakainin eh... kmi ng asawa q... d kmi pareho ng shift... kea my araw tlga n mgisa lng aq s bahay... but he make it sure n my food n aq for lunch and dinner... meron rin mga tinapay for meryenda... ganun...

mommy, baka yung hilo mo minsan eh dala na rin ng gutom. kawawa naman si baby, hindi ka dapat nalilipasan gutom. paliwanagan mo ng maayos bf mo, sabihin mo uwi ka muna habang naglilihi ka pa. ilang months ka na ba? usually naman gumiginhawa na ang pakiramdam natin pag tungtong ng 2nd trimester. yun na lang sabihin mo sa kanya, hindi naman kamo the whole duration ng pagbubuntis mo. ngayon lang na grabe ka pa maglihi...

Pagusapan nyo po ng maayos yan momah. If hindi tlga sya pumayag na umuwi ka sa inyo. Sabihin mo if pwede ikuha ka ng makakasam sa bahay just in case lang na sumama ulit pakiramdam mo. Tsaka sabihin mo bigyan ka nya pera para makabili ka pagkain mo anytime na magutom ka or ipag grocery ka nya ng sarili mong stock ng pagkain dyan.

VIP Member

Hnd mo kelangn isakripisyo sarili mo lalo n buntis ka.. Umuwi k nlng senio atleast dun mkakakaen ka hnd k mlilipasan ng gutom at mei ksma ka.. Hnd k nman diet pra hnd kumaen.. Peo sna mnlng iwanan k mlng khet anong makaen mo lalot gbe n cla umuuwe db sna nkakaicp cla ng gnun esp ur Bf.. Umuwi k n senio ipaintndi mo s bf mo..

Umuwi ka muna sanio kht ayw ng bf mo,mas isipin mo ang kalagayan nio ng bby mo kesa sa glit ng bf mo.masama sanio ng anak mo na nalilipasan kau madalas ng gutom at may time pa kamo na nahihilo ka.mhirap wlang ksama sa bahay lalo na maselan ang pgbbuntis mo.mauunawaan rn yn ng bf mo wag kang mag alala.

opo uwi muna ko samin😭

thank you mga momsh.andito na po ako sa amin.pinayagan naman na ko ni bf.naintindihan naman nya lalot maselan talaga pgbubuntis ko.wala akong kasama na bahay nila.🚐🙂

Kung para sa pagbubuntis mo na maging safe ka at ang magiging baby mo, i suggest sis umuwi ka sa inyo.

Ipaliwanag mo ng maigi sa jowa mo yung sitwasyon mo jn sa bahay..kawawa nmn baby mo

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan