Pagpapawis ng katawan
Good morning po, Ask ko lang po kung normal po ba na maka ranas ng malimit na subrang pagpapawis pagkatapos makapanganak (CS) po ako nanganak ako last June 10 tapos lately subrang pinagpapawisan ako kahit may electric fan na pinagpapawisan parin ako tapos kung minsan malamig pa. Last night nagising ako dahil nag chi-chill ang buo kung katawan habang basang basa ng pawis ang damit ko ginising ko husband ko at pinalitan ako ng damit tapos kinumutan ako pero subrang nanginginig parin katawan ko sa lamig tapos pinagpapawisan ako habang naka kumot. Note: Since June 10 3x palang po ako nakaligo mabilisan pa dahil may mga tinatawag silang baka daw mabinat ako at baka mapasok ng lamig ang katawan. Puro punas lang gawa ko na may warm water. Sincerely,