119 Các câu trả lời
40 weeks & 1 day ako nung na ECS. Hindi ko din namalayan na nagleak na pala yung panubigan ko, more than 24hrs. Saka palang ako nagpadala sa ospital nung nilagnat nalang ako bigla at halos dina makagalaw dahil sa tindi ng kirot ng balakang at tiyan. Ayun kritikal na pala lagay namin ni baby, kumalat na pala yung infection sa katawan namin, dahilan bakit ako nilagnat, nakakain na din siya ng popoo, but God is good talaga dahil hindi niya kami pinabayaan. Ngayon 4mos.old na baby ko at super healthy😇❤️
ayaw bumaba baby kom at hindi kasya😂 its better that sorry... kahit malaking gastos pag CS ok lang safe naman nailabas baby ko... Iyak k sa pain ng labor at iiyak k din sa laki ng bill... kaya dapat tlga ready financially pag magbubuntis.. hindi biro ang pagod at gastos..... pero worth it naman makita mo baby mo... nakakawala ng lahat ng problema
8cm na po ako pagpunta ko ng ER. Mataas kasi pain tolerance ko. Waiting lang kami na mag 10cm ako kaya lang bumagsak ng 50bpm un heartbeat ni baby kada nagkocontract ako kaya na emergency cs ako. Plus ang dami ng dugo ng bed ko pala. Umibabaw kay baby un placenta kaya delikado na ako inormal delivery
marami first (+) edema for face to food second (+) high blood third (+) malaki ang baby fourt (+) high risk ( mean first baby to minor and marami sa mga ito ung mga may edad na like 38 years old anim na anak to hanggang walong anak kaya na ccs bilang komandrona po
Baby was diagnose with sacrocoxygeal teratoma, my maliit na bukol sa pwet.. CS kasi if e.normal baka mag rapture ung bukol once dadaan sa vaginal canal.. thanks God 3 months old na si baby, natanggal na rin ung bukol nya sa pwet thru operation.
38 weeks c baby nun peru nung check-up na nmin biglang tumaas ang bp nya Kya Hindi na ako pinauwi. Then un po’ advice ni ob induce Kaso mataas pa para mas safe dw c baby CS nlng kmi. And now 8months & 24days na c my baby Franco💖
Sakin po 41w 5d na po ako pero 1cm pa din kaya inadvice na ko ng OB na iCS nya kase Overdue na po kami .. Pero sa ultrasound ko knina normal pa lahat kay baby .. Sadyang overdue na lang kaya need na iCS 😥
Maliit daw po sipitsipitan ko and stress na c baby sa loob baka makapoop na kaya ecs na po me.. from 3pm to 1am 7cm lng sipit sipitan ko di na tumaas and humaba ulo ni baby kakaire ko dn nun..
emergency CS, nasa bahay pa lanh ako, pumutok na yung panubigan ko madaling araw yun, pagdatig sa ospital binigyan ako ng pampahilab every hour, 1 cm pa din. hayun nag decide na CS
Cs by choice mahina daw po folerance ko sa pain accdg sa ob ko 😂 and it was the best choice i made kasi po paglabas nya nakakakain na po pla sya ng poopoo eh di man po ako naglabor nun
mommy paano po nasabi na mahina po Ang tolerance nyo sa pain?
Anonymous