Right Side
Good day mga mamsh! ? Ask ko lang po ano po ba masamang epekto kay baby pag sa right side ka natulog? Hindi po kasi maiwasan eh madalas po nangangalay ako pag mag damag ng nakahiga sa may left side.
Nothing to worry sis basta comfortable ka.. ganyan din ako madalas right side ako kasi dun ako sanay saka nakakangalay naman talaga pag laging left side.. actually as per my ob pwede din naman flat make sure lang na mataas ang unan para di naiipit tyan at maglagay na din unan para sa paa
E kase maiipit po nerves na nag bibigay oxygen sa baby sis if mag right side ka. Kung nangalay kana sa left side mo lagyan mo madming unan likod mo while nka left side ka para kaht papano my supporter. Iwasan po humiga sa right side kawawa baby.
mula nung nabasa ko yumg dapat daw sa left side na tutulog .. pag nahihiga na ko dun ako lagi naka side .. kaso mas komportable pa din ako sa right ei .. kaya madalas sa right ..
Ako dati sanay matulog ng right side pero ngaun 26weeks hirap na ko huminga pag sa right. Mas comfortable na ko sa left lagi kaso nakakangalay nga lng 😂
Mas healthy lang talaga if sa right side ka, maraming mga health Benefits, if mangalay ka ok lang naman kumanan,, balik ka na lang po ulit pagwala na ang ngalay
Hndi po healthy ang right side sis. Left side po yung tinutukoy nyu. Kase sa right side maiipit ang mga nerves na nagbibigay oxygen ky baby 🙂
Tinanong ko yan sa OB ko knina, ideally sa left talaga pero kung di ka naman daw high blood okay lang daw kahit san ka komportable.
Kung saan ka comfortable mamsh is ok Lang.. As long as Alam mong Hindi ka nahihirapan at c baby SA position.. ok Lang mamsh
Wala naman daw po. Basta wag lang nakatihaya kasi bukod sa mahihirapan ka huminga mahihirapan din si baby.
Totoo sis pag nakatihaya ka grave dika talaga makahinga feel ko Yan talaga
Aq sa left side aq natutulog nakatagilid kc may komportable aq pag sa right kc hirap aq huminga...
wala naman po pero mas recommended talaga na sa left para sa maayos na flow ng circulation ng dugo