UTI
Good afternoon ano po bang sintomas ng uti tsaka ano po pwedeng kainin or igamot don?
Mommy kapag mild UTI lang may ma fefeel kang pain sa taas ng puson left or right side tpos makati sa pekpek po pero pag severe UTI na masakit sa Balakang at mahirap umihi kse masakit umihi. Pero I suggest pa lab ka ng Ihi mo malalaman kung gaano kadaming bacteria mo para mabigyan ka ng sapat na gamot. Or dikaya More water ka. Tpos Buko Juice unh Fresh from buko talaga yung hndi nabibili sa kanto na my gatas na.
Đọc thêmDepende po yan. Meron masakit ka umihi, may dugo minsan. Pero yung iba walang symptoms, malalaman mo lang pag nag'urinalysis ka na. More water, fresh buko juice tsaka maghugas ng mabuti pagkatapos umihi, from front to back.
May ibang may symptoms like pain sa tagiliran, masakit or hirap umihi and lagnat. Meron naman na walang sintomas, nakikita na lang sa urinalysis and cbc. Madaming tubig, buko water at iwas sa maalat
Ako nung buntis ako wala akong naramdaman na sign, nung tinest lang ako dun ko lang nalaman. Yung gamot is depende sa irereseta ni OB na antibiotics. Pwede rin sabayan ng fresh buko or cranberry juice
Ma'am try mo PA check up sa OB mo, kase May ibibigay silang reseta Para sa UTI, kase ako nag ka UTI dn ako 8months na Tyan ko ang binigay saakin na gamot antibiotics pero safe naman Para Kay baby.
Inom ka madaming tubig. Make sure din na every pee mo eh maghuhugas ka ng private area. Recommend ko na din yung fem wash na gnagamit ko para mawala uti ko. Gynepro sis.
Masakit puson at balakang tapos ansakit pag umiihi tapos patak patak lang naman ihi as in mayat maya feel mo ihing ihi ka pero onti lalabas.
Ako po water therapy at buko juice everyday. Ayaw ko na kasi uminom pa ng gamot na nireseta sakin ng ob ko. So far nawala naman po.
Cephalexin po nireseta ng ob ko safe po for pregnant women pero ask nio nadin ob niyo para sure :)
Kung masakit po lagi ang likod niyo or hirap kayo sa pag ihi niyo.