Doktor

Ganun po ba talaga mga doktor sa hospital, parang mg galit sa mundo. Kanina kasi nagpunta ako kasi nadulas ako kaninang hapon tapos pag ihi ko ng gabi may dugo. Edi punta agad kami ospital kasi natatakot ako. Bwiset lang kasi yung doktor sabi sakin dinugo daw ba talaga ako kasi wala naman daw siyang nakitang dugo sa pwerta ko. Galit siya habang sinasabi yun. Edi ako naiyak ako kasi ppunta bako dun kung hindi ako dinugo. Tska masakit yung balakang ko. Diko na nga naintindihan sabi sakin kasi sobrang sama ng loob ko. Ganun ba talaga. Halos kasi sa lahat ng pasyente ganun sila parang galit sa mundo. Pwede naman sila magsalita ng mahinahon hindi yung pagalit, nakakasama lang ng loob. 😢😢

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Good pm po mga momsh. Di ko ugali magcomment dito pero di ko mapigilan mag disagree kay Ma'am Mon Madison. Nakalagay sa discription mo na you're a super mom and atvthe same time nurse. Same with me, I'm carrying our 1st child and also I'm a nurse. Ma'am, nadulas ang patient, she's pregnant at nagkaron sya ng bleeding... Di ba yun valid reason para magpacheck? Kasi for me, it is. Kasi naniniwala ako na kaya sya nagpacheck at di yun inignore lang because takot sya may mangyari sa baby nya. Kung sakin nangyati yun, baka di ko na pinagpabukas, baka agad agad tinakbo na ako ng asawa ko sa hospital just to make sure that our baby is 100% okay. At sa pagiging masungit ng health care providers... Isa yan sa mga reasons bakit ako nag quit maging nurse sa public hospital dito samin dahil sa ganyang ugali ng mga kasama natin sa trabaho. Kung pagod ka sa trabaho, di ka nakakain, nakaihi.. Choice mo yun.. Kasi kaya mong mag multi task kesa ibaling mo sa patient yung pagkapagod mo at pagkagutom mo. Nandyan ka sa trabahong yan kasi ginusto mo yan, sinumpaan mo, pinaghirapan mo lisensya mo and for sure may gain ka bakit ka nandyan. Lagi kong sinasabi non sa mom ko na ang hirap magkasakit ang mahirap kasi san ka magpapagamot, syempre sa public hospital, at don, "kadalasan" ipaparamdam sayo na mahirap ka talaga. Hindi ko nilalahat ng doctors and nurses.. Pero mas marami sakanila ang ganyan. Sana maisip nila, na kung may choice lang ang mga mahihirap, sure ako... Di nila pipiliin na pumunta at mag seek ng medical needs nila sa public hospitals dahil sa mga ganyang klase ng doctors and nurses. Opinyon ko lang po ito. Have a good day. 😊

Đọc thêm
4y trước

Sorry to hear that, Ma'am, pero sadly, it really happens. Nakakalungkot. I remember noon, may mga times na di ko na masikmura ang ugali ng "some" doctors and nurses na kasama ko.. Na parang entitled sila mang ganyan ng pasyente dahil ang laging dahilan, pagod sila.. Natry ko humawak ng 38 patients, walang tigil ang pag gawa ng nurses notes, di ka pa tapos sa isang patient, may kasunod na... Pero naniniwala kasi ako na pag talagang mahal mo ang pagiging health care provider.. Mararamdaman mo ang pasyente. Anyway, di naman po lahat.. May iilan pa rin po na nasa puso nila ang ginagawa nila. Kung sino nalang po ang mas nakakaintindi, try na lang po natin intindihin... Tulad bg sinasabi ng iba.. Tao lang din sila.. Baka may pinagdadaanan lang o masama ang gising na nangyayari naman sa lahat. God bless your pregnancy, Ma'am.. Sana okay lang si baby. God bless po.

Thành viên VIP

ung stress kna pero imbis na mabuhayan ka ng loob pag nakita o nakausap mo sila, lalo kang masstress 😅 sa pub hosp mommy gnyan po tlaga .. kaya tanggapin nlng po natin pag walang bayad sigurado wala ring magandang pag trato. lalo pag nanganak ka. marami kpanpong maririnig. sasabayan nila ung sakit na nraramdaman mo habang nanganganak ka. kaya kung ako sayo mommy, lakasan mo loob mo. isipin mo na para lang silang magulang mo pag nanermon. ingat and ipag pray mo nalang rin ung mga kagaya nilang Manggagamot.

Đọc thêm
4y trước

tama po kayo mommy KAT . .

Sa case mo po dapat po talaga i observe mo muna. Kung may contraction and dugo punta agad ng hospital pero hindi po lahat ng kung ano man mararamdaman mo ay deritso kana sa hospital. Pagod po lahat ng doctors and nurses and lahat ng medical staff po. Intindihin niyo rin po sila. Hindi mo nararanasan yung pagod nila pero still they chose to serve. Baka wala pang pahinga or kain or even nakaihi yung doctor na tumingin sayo. Tao lang din sila may emotions din kaya kung napagalitan kaman pasensyahan kayo.

Đọc thêm
4y trước

Ma'am pag sinabing emergency life threatening cases yun. Kaya nga po may triage ang ER kasi doon palang sinasala na kung sinong patient ang uunahin.

Kung nasa natural ako na sarili ko for sure maiiyak dn ako . Kaso , nowadays ang gara ng mood ko . Bilis ma trigger ng galit ko .. Buti nalang wala ako sa stwasyon mo baka kasi maaway ko pa ung Dr. Masabi ko na kung ayaw nya sa trabaho nya edi mag quit sya .. Ganyan talaga mga Dr. sa public .. Galit lagi sa mundo .

Đọc thêm
4y trước

Ako naman po naging iyakin ako. Ftm po ako kaya diko alam na ganun pala mga doktor sa pub hospital. Expect ko e papakalmahin at palalakasin loob mo tapos yun pala papasamain pa nila lalo loob mo .

Thành viên VIP

Hindi naman lahat ng doctors pare-preho. Depende din siguro kung saan sila hospital and depende din sa situation nila. Ako kasi so far puro private and wla naman ako marereklamo, mabait doctor ko and siguro dahil kagaya ko ding babae. Ask ko lang, anong klaseng doktor ba ang pinagpacheckupan mo? OB din ba?

Đọc thêm
4y trước

Yes, tama naman. Sa pagbalik mo ganun pa din sila siguro dapat icall mo na attention ng superior nila. Para di din mamihasa or kausapin mo na talaga. Ingat ka mommy. 😊

Oo kadalasan pag public prang galit sa mundo.mas mabuti pa dto sa sampalok hospital mababait mga ob or mga staff ...kc kong may mali cla marami magrereklamo.tinatangal kc agad..lalo n now c Yorme nkaupo...lebre pa kong jan ka manganganak.Cs man oh normal.basta may philhealth k lang.

Dpat sinabi mo po na "pupunta po ba ako ng ospital ng wala lang,,," kauspn niyo ng mahinahon po at sabihn na pwede ka ba kausapn sa maayos na paraan hindi yung pagalit or nagsisigaw pa...public man ang ospital dpat respetuhin pa din nila ang mararamdaman mo sa mga way ng salita nila

4y trước

Naku d ka talga makakapigil na sagutin ung ganyan.so what kung doc sya or nurse or whatever anu karapatan nya?tungkulin nya manggamot haleer..kainis un ah😂

Ganun talaga kadalansan sa public hospital. Ung sa panganay ko noong manganganak na ko ung mga nurse naman mga antipatika. Panay lang naman ang chikahan tapos ang tataray. By the way, kamusta naman po pakiramdam mo? Ilang months na ba tiyan mo? Ingat ingat po sa kilos mommy

4y trước

Ou ung iba masyado paimportante may chikahan pang nalalaman kahit alam na may patiente.

Dala na lang din siguro ng kondisyon mo po kaya sensitive ka. Hayaan mo na lang po ako nga katakot takot na seremonyas inabot ko nung nanganak ako. Syempre pagod din sila. Ingat po kayo ni baby wag mo masyado dibdibin baka makasama po sa inyo

4y trước

Grabe talaga mgsalita sa mga pasyente. Pasigaw kung magsabi. Magkakasama o magkakatabi kami.

Pagod na po kasi lahat ng health workers mommy dahil sa pandemic. Pagpasensyahan niyo na lang po. Wala po kayo OB? Observe niyo po muna mommy, kung tuloy2 po yung pagdurugo tsaka pag nagcocontract punta po kayo agad sa hospital.

4y trước

Sa brgy center lang po kasi ako nagpapacheck up. Sumasakit nalang po yung sa may pwetan ko. Nahihirapan ako umupo at tumayo. Pero di po sumasakit yung tiyan ko.