3 Các câu trả lời
Same case po tayo. Ilang beses na din umatake ung sakit sa rusok ko dahil sa gallstone. That time buntis pa ako. Inadvise sakin ng surgeon na after ko manganak saka ako magpaopera di nila ako pwedeng bigyan ng malalakas na gamot dahil nga preggy ako. Everytime na dinadala ako sa ospital tinuturukan lang ako ng pain reliever na safe naman daw sa baby ko sa tiyan. At umaabot ng 6 hrs bago kumalma, may time pa na magdamag sumasakit pero tinitiis ko lang yung sakit. Ngayon na nakaanak nako ng normal delivery medyo nakahinga nako ng maayos. Meron yung time na sumasakit pa din pero di na gaano. Tolerable na siya unlike dati na sobra talaga ang sakit na tipong susuka pako, di na makahinga at pinagpapawisan pa. Ngayon super ang diet ko. Iwas nako sa mga bawal at continuos ang mga gamot ko na omeprazole.
In advise nila ako dati magpa opera habang buntis due to gallstones pero tinake namin ung risk at hindi ako nagpa opera until manganak. Now ay 1month old na si baby. Pero todo healthy diet ang ginawa ko dati habang buntis.
Basta hindi daw po namamaga ung gall bladder ay pweding hindi operahan. Pero ung risk lng dun ay pag namaga sya bigla during 3rd trimester ay need ka maoperahan and baka mging premature si baby. CS ako pero ok naman.
Pano nyo po nalaman na may gallstone kayo?
Pagnagpa whole abdominal ultra sound,.
May Ann Badilles