Giving birth

Gaano po kasakit manganak? First time po and kinakabahan dn po.

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para sa akin Mi, masakit. Hindi ko pa nga alam na dapat na ako manganak, bale EDD ko nun sa first born ko, December 4. Pero December 3 hindi pa ako nakakafeel ng kung ano, syempre first time mom nun kaya medyo anxious kaya nagpacheck up ako sa OB ko. Sabi, magpa-admit na raw ako since konti na lang daw pala fluid ko. So shookt ako, haha. Ayun, kinagabihan nagpa admit na ako sa lying inthen binigyan ako ng pampahilab. First few hours wala pa naman ako na-feel, then mga madaling araw ayun nakakafeel na ako ng contractions. NAPAKA SAKIT FOR ME. Hindi ko maexplain ano mafefeel ko, kasi masakit hindi ko alam saan ang masakit. Tyan ko ba, pempem, pwet, o lahat ng yun ng sabay. Para bang natatae ka na, na gusto mo na matae pero hindi pa pwede? From 2cm, nag 4cm, then 8cm. Medyo mabilis progression. Sabi, kumain daw ako before delivery para may lakas. Pero yung lakas ko, naubos na sa pag iyak ko tska pag s-squat at pag ikot ikot sa higaan dahil hindi na talaga ako mapakali sa sakit. Sa isip ko nun, gusto ko na lang manganak na para tapos na yung sakit huhuhu. Then Dec 4, hapon. Nanganak na me. Parang wala na akong mai-ire. Tinulungan na lang ako ng mga midwife/nurse, kasi natagalan din. HAHAHA. Also, hindi naman ako dapat pupunitin or hihiwain. KUSANG NAPUNIT MI. Like habang nanganganak, NARAMDAMAN KO RIN YUNG KUSANG PAGKAPUNIT LIKE?? HUHU. After delivery, tinahi. Pati yun naramdaman ko, kada hila kada tahi, ramdam ko. Hindi pa pala ako namanhid pagkapanganak, haha. Normal Delivery naman. 1 month akong nagb-bleed, then the following month, nagka regla na ulit. So regular na ulit mens ko, edi wow. Haha. But any, depende pa rin sa experience. Huhu YOU CAN DO IT 🫶🏼

Đọc thêm
Thành viên VIP

ako nung nanganak chill pa kasi galing pa kami mismo sa ob ko kakauwi lang after few hrs non. sabi ko kay ob naninigas tyan ko may feeling na hindi ko maexplain sumasabay balakang ko yun malapit nako maglabor. 3cm na ko pagkagaling kay ob nag i.e na. then pag uwi nakaligo pako sa sobrang init nagpagupit pako nails kay jusawa, 2 ½ hrs lang ata pagkauwi namin pumutok na panubigan ko ayern confirmed. hindi pa namin alam si jusawa natataranta ako chill 😂😂 kako kalma chill kalang sigi kuha ng ganito baba para mag tawag ng audience buti nakapag impake na ko lahat ng bags namin for the hospital. so ayon nung sabi ng tita ko na "oonga pumutok na panubigan mo, takbo na kayo ospital ulit tawagin ko na si tito mo" lahat sila natataranta ako di makagalaw chill pero pinagmamadali nila ko hahaha😂😂si jusawa nakasabit na lahat ng gamiy papuntang kotse ayon habang nasa loob nararamdam ko padin panubigan ko basa narin upuan habang naglalakad pa elevator paakyat sa del room. kaso hindi ko kasama jusawa sa labor and del room bawal daw ih🥺 no choice ako lang mag isa habang nakakaramdam nako ng contractions 6pm nasa 5cm nako. 4hrs labor ako grabe masakit na hindi talaga maexplain iiyak mo nalang umiikot eh tas wala pang makapitan kama lang tas iccheck ka time to time ng mga nurses para mag i.e, ambilis ko maglabor habang sumasakit naglelessen yung interval niya meaning malapit na so ayon gabi nako nanganak goodluck sayo mommy and baby keep stroong lang! kayang kaya mo yan🫰🙏🏻

Đọc thêm
12mo trước

sa Hospital yata yun rules na bawal. Si hubby hanggang labas lang palagi tuwing check up and ultrasound 🥹 thank you po. Sana kayanin ang normal delivery

wag nyo po gaano isipn yung pain kasi baka pag naglalabor na kayu biglang tumaas bp nyu kayu din mahhrapan. peru yung pain lvl nya po is 100000/10 as in napaka sakit for me kahit mataas ang pain tolerance ko nung inenject na nila yung pang induce labor, mapapamura ka talaga, mapapadasal ka, kahit gaano ka kastrong independent woman mapapasabi kang ics nyu nalang ako HAHAHA charot . basta isipn nyu lang po kaya nyu at kakayanin nyu ara kay baby 😊

Đọc thêm

Depende din mii sa pain tolerance. Ako first time din. 24hrs labor. Yung labor ang masakit sobra. Although 1st few hours ee nakakatulog pa ako pero nung nagbago ung contractions to every 30 mins taz every 10, 5 taz 3 mins ay jusko natawag ko na ata lahat ng santo. Haha. Nahirapan ako umire kasi 1st time ko and di ko makuha ung tamang ire kaya mas tumagal ung sakit ng labor pero nung nakalabas na si baby wala na. ❤

Đọc thêm

sobrang sakit po ng labor pain dyan tlaga tayo susubukin sa tatag at tapang natin,buong katawan mo mangangatog at manginginig sa sakit,kakapanganak ko lang nong jan.18,muntik ma c.s dahil cord coil pa c baby,sa awa ng dyos na normal pa din.lakasan lang tlaga ng loob mi at prayers para mairaos ang panganganak.have a safe delivery sayo😊🙏

Đọc thêm
Influencer của TAP

Masakit. Honestly, as of now natatawa ko pag alala ko experience ko. Before kasi, dinala na ko sa or habang waiting ng paghilab. Lam mo yung feeling na as in may diri factor ka sa unan kc may tayak na marka... ✌️ pero the moment na nag contract na ang tummy ko at labor na ayun no choice nakagat ko din yung unan sa sakit. hahah

Đọc thêm

Depende po sa pain tolerance nyo. Ako mataas pain tolerance ko, natutulog lang habang naglelabor samantalang yung mga kasabayan ko sa labor room kanda sigaw na sa paghingi ng epidural. Sa panganganak na part, nahirapan lang ako sa pagire kasi first time mom. Yung sakit lang na naramdaman ko yung pagtahi ng pempem after 😂

Đọc thêm
12mo trước

oo nga eh. sabi pa ng iba, manhid na raw kasi kaya no need anesthesia 🥹🥹 katakot nman haha

wala po makakapagpaliwanag kung gaano kasakit.. kasi depende eto sa pain tolerance ng manganganak.. ang masasabi ko mi worth it ang sakit na mararamdaman mo pag nakita mo na si baby .. yung first kiss mo sakanya mapapaluha ka nalang sa saya.. Goodluck and Godbless🥰

Ihanda mo lang talaga katawan mo lalo na during labor contractions. Mapapatawag ka talaga sa mga Santo lalo na pag sunud sunod na yung pain. Just pray for a safe delivery mommy. Good luck kaya mo yan! At the end of the day, magiging worth it lahat ng pain na yun 🥰

Depende kung anong klase. Nag normal ako pero nag emergency CS. Sobrang sakit ng labor nag epidural na ko ng 4cm. Yung recovery mahirap din dahil 2 tahi ko. Siguro importante din talaga yung support mo sa panganganak. Mas nakakagaan.