Vaccines
Ftm, tanong lang po sino po dito ang Ngpapa. Vaccine ky baby sa Private clinic po? Mgkano po binabayaran nyo evry Vaccine po? Maraming salamat po sa sasagot.
deoende po sa vacine mami. ako most of my lo's vaccine sa center and ung mga nd availabe doon kami sa pedia nya just like Rota nsa 2,800 ang binayaran namen. and 3 dose un. mean 3x sya from birth hanggang mag 8mos. sya. then lastly dahil walang avaialble na flue vacvine sa center dto samen. doon kami sa pedia nya . nsa 2,400. pero not sure kung same price sa iba.
Đọc thêmako mumsh center. libre. then ung rotarix is 2700. ang ginwa ko, nagrequest ako sa center ng rotarix, then sila ang bumili sa kilala nilang pedia then ako na ang nagbigay sa lo ko. dalawang klase kase ang oang rotavirus, rotatec 3doses at rotarix2 doses. mas mahal ang rotarix.
Nag inquire lang aq last time. For the package nasa 1500 plus every injection po,meron iba nasa 3000 plus every schedule. Mahal momshy tapos same lng naman yan sila sa Health Center. But the pedia assured na yung sa kanila is di lalagnatin si baby.
Takot kac kami sa center momshie mahaba kac pila dun since once a wk lng open kaya pikit nlng kami sa mahal ng vaccines ni baby sa Pedia nya.
Hello Ma. Iba iba po ang price ng vaccine. Sa flu vaccine po samin 1500. Join Team BakuNanay in Facebook too⬇️⬇️⬇️ https://www.facebook.com/groups/bakunanay/ Huwag kalimutang sagutin ang 3 membership questions.
Đọc thêmThe vaccination fee are as follows: Dpt1ipc1hib1 is 4,500 Rotateq1 is 3,500 PCV1 is 6,000 Total fee: 14,000 Grabe Lang pero Wala na kami nagawa need ni baby e
Đọc thêmdepende rin po kasi sa brand ng vaccine at availability. if matatagalan pa ang dating, kung ano yung available ang kinukuha namin para hindi madelay ang bakuna
Hi Mama! Depende sa brand ng vaccines at sa pedia mo. Sa’min yung 6 in 1, Php 4,500 at PCV, Php 5,000 tapos may 1,000 na PF pero home service na. ❤️
iba iba eh, dito sa amin, 3,800 ang 6in1vaccine tapos yung rota 2,700. depende po sa klase ng vaccine. ask mo po si pedia mo kung magkano sa kanya 😊
Iba-iba ang prices mommy, depende rin sa pedia. sa pedia ko, flu vaccine pinakamura (Php1.5k). Then yung iba mga 2k, 3k, pinakamahal Php4.5k
Hi mommy, kami po depende sa vaccines, meron 3,500/shot, 4,500 or 7,500 minsan if 2-3 shots per visit, malaki namin binayaran 18,000
Around 3500-5000 po every vaccine. So far ang murang vaccine sa pedia ni baby Measles at MMR 1500, flu vaccine 1700.
Yes mommy. Wala naman siguro single vaccine that cost 8k po
Got a bun in the oven