Ayaw ni lo sa akin
Ftm po at CS po ako. Sino po dito naka experience na kapag kinakarga niyo baby niyo umiiyak lagi? Yung parang naiirita siya😔 pero kapag binigay ko sa asawa ko tumatahan agad. Di ko alam kung naiirita ba siya sa braso ko dahil payat kasi payat po ako. Kaya tuloy kapag papatulugin si baby di ko mapatulog kasi lagi umiiyak saken. Pure breastfeed po ako at wala naman problema sa feeding niya yung buhat lang talaga. Di ko sure kung dahil ba yung asawa ko yung all around nung mga first week namin dahil dipa ako makakilos sa tahi ko. Tanging ginagawa ko lang nun is magpadede di ko siya masyado binubuhat kasi mabigat yung asawa ko lagi nagbubuhat. Dahil po kaya dun yun mga mamsh? Nalulungkot at nastress tuloy ako kapag nakikita ko siya umiiyak at di ko mapatahan man lang😔