3 months na ang tiyan ko pero ang liit pa rin, normal lng ba to?

3 months na ang tiyan ko pero ang liit pa rin, normal lng ba to?
94 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

maliit pa lang talaga ang 3months tummy lalo kung ftm ka. hintayin mo ang 5-6months dun yan uusbong. relax ka lang. wag magworry sa mga bagay na di naman dapat ikaworry dahil normal. wag din magcompare sa ibang mga buntis.. iba iba naman kasi ang tyan ng kada buntis.

2y trước

oo nga ang laki na nga ng tyan nya para sa 3 mos. sken super liit pa..lumaki lang nung mag6 mos. na parang ganyan ang 5 mos. qng tyan before.😊

malaki pa nga yan eh.. yung sa akin flat pa din nung 3months ganyan tyan ko nung 5 months lumaki lang sya nung 8th pero genetics din siguro maliit din magbuntis ang nanay ko dati eh.. basta healthy pareho tama lang ang weight gain walang problema kung maliit or malaki ang tyan.. mas ok pa nga ang maliit hindi mahihirapan ilabas..

Đọc thêm

May iba't ibang sizes naman ang tiyan ng bawat ina sa pagbubuntis momsh kaya nothing to worry. actually for me malaki nga siya e, kase ako 3 months na flat na flat pa tiyan ko, nakasali pa ako ng pageant. nagka-baby bump lang alo ng ganyan noong 7 months na. but that's normal mommy 🤗

normal lng po yan mi, kúng tutuusin malaki na nga po yan eh. Ako nun 3 months ng preggy pero flat na flat pa din tummy ko😆 as long as kada monthly check up mo okay si baby nothing to worry po. Going to 8 months na po ko pero yung tummy ko pang 4 months lang yung laki. Praying for your safe pregnancy po

Đọc thêm

Hello! Pregnancy bump varies from one person to another, so don’t worry. Usually it’ll get bigger once you enter third trimester as the baby gains more weight on this period and over the next few months, babies continue to accumulate muscle and fat under the skin.

Same tayo ng tummy momsh..pero actually malaki na yan para sa 3 months kasi minsan around 4-5 months na ang baby sa loob bago maging ganyan kalaki.. 2nd pregnancy ko na now kaya mas nacocompare ko na siya lalo pa't di na nawala ang fats sa belly ko.😊

6 months tiyan ko ngayo ganyan kalaki sis😂 haha iba't iba talaga ang pagbubuntis sis. tsaka mahirap na gumalaw pag malaki na tiyan 😅 as long as alaga ka ng ob mo at normal and healthy ang impression niya sainyo ni baby, wala dapat ipag alala.

same din mhie 😊kahit sinasabi nila na parang d daw po ko buntis😊ultimo mas malaki pa raw bilbil nila kesa sa tiyan ko .no worried naman kasi ako dahil ganito talaga ako magbuntis at hindi rin masyado tumataba 🤣😊

malaki napo yan mhie sa 3months heheh mag 3months na din tiyan ko pero medyo maliit sya kumpara sa tummy mopo 😅 sabi naman kapag 4months lolobo na daw po, pero mabigat napo yung tummy ko ket maliit 😅

Malaki na po yan sa 3 months mi. Sa first baby ko sobrang flat pa po. Nung 3 mos tummy ko sa second baby ko nkakapag highwaist jeans pa ako at crop top. Hinay2 po tayo sa sweets at kanin yan po nagpapalaki sa baby.