Tumanggap ba kayo agad ng bisita nung bagong panganak?
First-time mom here. Due in March. Ino-overthink ko na agad yung mga relatives na masyadong excited sa unang apo sa both sides namin ni husband. Parang di ko kasi maimagine na bagong panganak ako, feeling restless and medyo haggard pa, tapos may mga dadating na bisita para masilip si baby? Ayaw ko naman ipagdamot pero worried din ako dahil wala pa sya bakuna at that time, if ever. Covid is still here. Ano kaya magandang gawin o sabihin kung ayaw ko pa talagang tumanggap ng bisita without offending our families?