AYAW NG BISITA
AKO LANG BA YUNG NANGANAK NA AYAW NG BISITA ? ? I MEAN YUNG BIBISITAHIN KAMI NI BABY PARANG AYOKO HAHAHAHA. MAS GUSTO KO PA MATULOG NALANG HEHE
Haha same para kasing instead ipahinga mo nalang habang tulog si baby need mo pa mag entertain ng bisita 😂 advantage lang is for sure may dala silang food kaya pwede na rin hahahaha! Saka ayoko sana muna ma expose si baby sa maraming tao. Share ko lang: Ung ka workmate ko dati dumalaw sa bahay kasama ung anak niyang 1 year old and inaanak ko kase yung bata. Gusto niya lapitan si baby kaso sinasaway siya ng mama niya ang ginawa nung bata binato niya ng slippers nya si baby i was like 😱 buti nalang naka kulambo anak ko at hindi tinamaan. Ung inis kana pero kunware wala lang huhu.
Đọc thêmSame po. Pagka panganak ko ayaw ko din po sana muna ng mga bisita. Kaso parang di maiwasan. Yung ate kasi ng lip ko madalas pumunta dito kapag weekends, and may bata pa na kasama. Ayaw ko din kasi sana muna na hawak hawakan si baby ng kahit sino. Kahit kapamilya pa yan, ayaw ko sana muna. Huhu. Yung feeling na gusto mo lang naman sana is to protect si baby. Pero namimis-interpret ng iba sasabihin pa na maarte ka. Huhuhu
Đọc thêmPero isa po yan s postpartum madam ung ayaw ng may bisita. Kc ang buong atensyon is nakay baby naman ndi s mommy. Kaya minsan nakakaramdam ng selos si mommy tska nakakaramdam ng insecurity kung anong itsura nya after manganak. Pero mainam tlaga n walang bisita kc makakaoag pahinga ka ng maayos.
Mainam po yan n samantalahin habang walang bisita pra makapag pahinga ng maayos. Kc more puyat to come
Ayoko din ng madaming bisita.. Unless mama ko yan matutuwa ako. Hindi kasi ako mabisita nun kahit minsan.. Yung bunso ko nag isang taon dun nya palang nakita ako pa nagdala sa kanya samantalang 2 sakay lang layo ng bahay namin sa kanila.
Same sakin. Ayoko ng may bisita. Gusto ko kung sino lang yung pinili kong isasama. (Si mama at pamangkin kong babae) kapag manganganak ako sila lang. Ayoko ng maraming nakapalibot. Nakakairita. Baka mapano si baby.
True, isa pa po, di tlga dapat maexpose si baby sa maraming tao..di kasi maiwasan na hawakan or halikan, madali kapitan ng virus at deadly. Kaya ako nun, okay lang na isa lang bumisita samin sa ospital hehe
Me too sis. Lagi ako kinukulit ng mga friends ko and mga soon to be ninang/ninang. Sabi ko lang next time na. Mahina pa kasi immune system ni baby saka ang haggard ko pa hahahahaja
may ganyan po tlga sis mas gusto nlng ipahinga kesa tumanggap ng bisita.. kase ieentertainin mo pa bisita, ok lang naman bisita pero siguro pag medyo nakarecover na.
Ako sis. Pagkapanganak ayaw ko din. Gusto ko muna iisolate si baby and palakasin immune system nya. Sana lg makaintindi mga tao. Hehe. ❤
Ako din. Haha. Hindi ako nagsabi na nanganak na ako so si mama lang bumisita. After all, time ko yun for my newborn at to recover
Got a bun in the oven