INIS SA PAMILYA NI HUBBY
Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.
I think you should be honest about how you feel. Ganyan din ang BF ko, nanay naman nyang senior, widow and financially independent na napakadami ng utang sa lending at kung kani-kanino. Dalawa lang sila magkapatid pero ung bf ko lang ang inoobliga nya kaya nakakainis, pati sa mga personal nyang utang. Ngayong buntis na ako, we still help his mom kasi wala naman ibang tutulong. But we set a certain amount lang, 4k a month nothing more nothing less para sa mga bills nya since mag-isa sya sa bahag, ang mga utang nya hindi na. Inexplain at nilaban ko talaga na hanggang dun na lang, kasi magastos manganak at mas magastos magka baby. Hindi naman obligasyon ng Bf ko ung mga utang na un. Kaya ayon, di kami super ok ng nanay nya ngayon, which is pabor naman sakin. Hahaha! Mas gugustuhin ko pang itago ang pera para sa future namin kesa ibayad ng ibayad sa mga utang ng nanay nya. Naintindihan naman ng BF ko, at sya din halos ang nagkukusa ngayon. Kasi alam nyang madami kaming plano at gustong mapundar. The bottomline is dapat lang alam ng bf mo ang priority nya
Đọc thêmNakakarelate ako dyan sis..ganyan din yung hubby ko... may mga anak sya sa una at hiwlay sya sa asawa nya at naga asawa ng iba ..bali tatalo yung isa nag asawa na.. yung pangalawa huminto na at bunso na lang nag aaral.. tapos yung nanay ng hubby ko nahingi din.. nasa abroad si hubby.. nakakainis lang di sila napapbayaan bigyan pero akala nila siguro natae ang pera yung hubby.. at pag nagpapadala wala pang isang linggo wala na agad pera.. ano kaya gingawa sa pera .. yung nanay nya manginginom at laging nag susugal .. yung anak nya panganay kahit nag asawa na sa tatay na nya padin nahingi ulti mo pang diaper ng anak nya... ano kaya gingawa ng asawa.. tamad din lahat inasa na sa hubby ko... ok lang sana kaso parang abusado na sila..laging pera bukang bibig...minsan tatawag sakin nanay para manghingi... imbes na yung budget namin mag iina ..napypunta pa sa kanila..kakainis lang ..ikaw to nag ttipid..kasi di nmn pinupulot ang pera..pero sila walang iniisip.. kundi gumastos..
Đọc thêmTalk to your partner ng mahinahon. Explain mo sa kanya ng maayos. Sabihin mo "alam ko mahal na mahal mo pamilya mo. Ganyan din ako. Sa family ko,lahat gagawin ko. Okay lang tayo magbigay. Lalo na pag may sobra. Pero andito na si baby. May family narin tayo. At tayo inaasahan ng baby natin. Ma provide mga pangangailangan niya. Kaya impok impok na tayo ng pera. Para handa din tayo.lalo ngayon magpapakasal tayo." Walang masama sa pagbibigay. Oo,responsibilidad niya iyon. DATI. Kasi ngayon,anjan na kayo ng anak nyo. Kayo na ang pamilya niya. Meaning,kayo na ang priority niya. Im sure maiintindihan ng pamilya ng hubby mo. Na hindi na magiging katulad ng dati na all the way ang bigay ng pera. Pero hindi ibig sabihin,makakalimutan na sila. Magbibigay bigay parin hubby mo pero mas controlled na.
Đọc thêmMinsan sis mag open ka sa mister mo. Ako ganyan kame e. Problema ko din yan nung umpisa. Mas panget kasi na di mapag usapan yang ganyan. Pero thankfull ako sa mister ko kasi siya lang nagwowork sameng dalawa pero naiintindihan niya na pag humiram pamilya ko saken is okay lang. Ganon din siya sa pamilya niya. Lagi nalang niya sinasabi saken na 'mas okay ng tayo ang nagbibigay, kesa tayo ang humihingi' kung nakakaluwag tayo tayo nalang umintindi' kaya nawala worries at inis ko dahil nga malaki puso ng asawa ko pagdating sa pamilya. 'May awa ang diyos' God will provide ' swerte nga ng baby naten e ' pero kita muna naman ngayon. Hindi na humihingi sa kanya at tinutulungan pa kame ngayon na malapit na ko manganak. 😇🙏
Đọc thêmGanto dn problema ko pero mismong papa ko nga lang eh .. 😑 ung halos lahat ng cash assistance ko sa company sa kanila na napunta .kc kailangan magpadala sa asawa nya na stepmother ko at anak nya na gumagatas pa . Sa kanila nasagad atm ko . Hanggang pambili ko lng ng gatas ang pera ko . 1k na lang ang natira sa akin . Pangcheck up na lang . Walang wala na kong pera para sa akin . Hihingi tuloy ako sa asawa nakakahiya lang . Hayss . Kaso walang choice walang trabaho sya ng 1month dahl sa ecq kaso sana naintindihan nya dn ang sitwasyon ko na buntis ako . Nahihiya ako sa asawa ko dahl sa papa kong d gumawa ng paraan at hndi marunong dumiskarte man lang eh . Napakahirap lang ng ganon 😑🙄
Đọc thêmParehas tayo ng nafifeel sis! Halos lahat ng sahod ng asawa ko napupunta sa pamilya niya. Sa kabila kasi andun yung mama nia, ate niya na single mom na may tatlong maliit pang anak. Pinakanaiinis ako sa sister in law ko kasi ginawa niyang tatay ng mga anak niya yung asawa ko. Lahat ng gastos sa bahay nila puro sa asawa ko. Noon pa hindi na maroong gumawa ng diskarte ang ate niya tapos ngayon wala pang trabaho dahil sa community quarantine. Hindi makaipon ang asawa ko pra sa pangangak ko, due ko pa naman ngayon June. Buti nalang medyo malaki sinasahod, ako na bumili ng lahat ng kaylangan ng baby namin.
Đọc thêmHuwag ka po masyado mastress mommy paapektuhan po ang baby. Ganyan po kasi nangyari sakin nagpadala po ako stress. Maging honest ka nalang po kay hubby mo, mapag-uusapan naman po ng maayos iyan, para mpag-usapan din ng hubby mo at ng mama niya, pwde rin po kayo magsched. Kung kailan siya pwde magpadala kila mama niya. 🙂 Stay safe always mommy. Cheer up. Don't stress too much yourself.
Đọc thêmAlam mo naman yung sitwasyon nya in the first place eh. Sabi mo nga magjowa palang kayo ganun na yung sistema eh. Alam mong may obligasyon sya sa pamilya nya bago nyo pa man pinasok yang sitwasyon na yan eh. Kung di nagrereklamo yung asawa mo na sya nga mismo yung napapagod at sya yung nahihirapan i suggest tulungan mo nalang sya. Di nya kailangan ng isa pang pressure.
Đọc thêmOkay lang naman magbbigay sya. Pero dapat pinag iisipan kung mag aasawa at magbbuntis man lang much better kayong dalawa may trabaho at may naipon na atleast nagttulungan kayo. Hindi maiwasan humingi ang parents. Pero buti nalang sa awa ng diyos stable ang parents ko pati ang sa husband side ko. Kaya think twice before pumasok sa malaking responsibility.
Đọc thêmDapat mag stop na sya mag support sa inlaws mo kasi kung tutuusin bata pa sila at kaya pa nilang magtrabaho. Hindi kaya ng sahod yong expenses sa baby lalo kung sya lang nagtratrabaho. Kung hindi ititigil pag support forever na yan dependent sila sa inyo. Pay for their sss para pag senior na sila may makuha silang pension. Yon lang siguro.
Đọc thêm