Inis
Hello mga momshies out there maglalabas lang ako ng inis. Meron din po ba sa inyo ang naiinis sa MIL at sa mga kapatid ng hubby nyo? Ako oo talaga inis na inis ako sa kapatid ng hubby ko kasi pag nandito sila sa bahay namin dikit ng dikit sa hubby ko halos hindi na masyado mabuhat ng hubby ko ang baby namin kasi kapatid nalang nya binubuhat nya tapos na didistorbo ang tulog ng baby ko dahil sa kapatid nya sobrang kulit at ingay. Buti sana kung mabait yung kapatid nya eh ang maldita sobra ayaw ko pa nman ng batang maldita. Manang mana sa MIL ko. Gusto ko na sila bumalik sa bahay nila. Naiinis ako pag dito sila sa amin. At pakiramdam ko mas priority ni hubby ang nya pamilya nya kesa sa amin ng baby ko. Sobrang nakakainis talaga ako sa kapatid nya at MIL ko.. Halos papansin masyado yung kapatid nya kahit saan sunod ng sunod Hayy nako. Alam ko nman na bata pa yung kapatid nya pero sana turuan nman ng MIL ko na wag na masyado mag dididikit sa hubby ko kasi may anak na ang hubby ko.
intindihn mo nlng po..aq dn pro d aq naiinis kso pag nagssb lng aq k mr. ng mali n gwa ng kptd nya pra msbhn nya sna at mturuan minamasama nmn ni mr. aq nmn ang kontra. kht pra nmn dn s kptd nya un cnasb ko. s totoo lng ank ko nagrereklamo 12 y.o nga skn kc ultimo knainn ng kptd ni mr.anak ko kc huhugas kc nilalagy lng s lababo. and2 xa s bhy kc pinapasok ko xa s work ng ate ko sa opis. opis bhy kain at tulog lng nmn xa. kso pag mali nggwa like d pinunsn kht mesa kc huli xa lalanggamin table nmin pag ssbhn ko k mr. galit p skn c mr.gang nauuwi s pagtatalo n kung ano ano p ssbhn. kya minsn naiicp ko nga n prng d nmn dn kmi mhl ni mr. kc alam nmn nya n d din aq pwd kumilos asikasuhin dn aq ng ank nmin n 12 y.o kc bedrest po aq. complete bedrest dhl mselan sobra pagbuntis ko now. konting glw ko dinudugo aq. naicp ko tuloy nag help aq pra magkwork n agd xa dhl kkgraduate lng. kso namroblema nmn aq dhl tampo ndn ank ko nagdagdg p dw me ng asikasuhin nya. libre nmn kptd ni mr.lht d2. kmi dn nag support cmula s pagkuha ng mga docs nya at gastos pamasahe dhl wla p xa kkcmula plng. tapos pag off ng sunday lumalabas xa pasyal s mall dhl may blhn dw. blik gabi n kakain nlng ulit dinner tas tulog dhl monday knaumghn pasok nmn s work kya ank ko lagi kilos. nkkaskt lng dn s loob ng gnun..kung aq at kya ko lng tlga n aq ggwa ang hirap po aq na nag aadjust lht lht aq pdn masama..kya payo kht sobra sama at bgat n ng loob n gus2 mo ikwento pra mturuan ng mr.ntn tama kptd nla tau pdn masama bndang huli..😣😣😣 wla kc d2 c mr.nsa abroad. pag nagsab aq at chat nya nmn d nmn sab totoo kptd nya😣😣ngmumukang cnungaling p aq😣😣
Đọc thêmOMG! Ganyan din ako sa kuya ko closed kami kuya ko kc ung kalaro ko noon. Family parin sila ng asawa mo at Pamilya morin sila kaya sana maintindihan morin.. Hinde naman habang panahon na kasama mo ang mga yan. Huwag ipagdamot ang asawa sa pamilya nila.. Oo ikaw na ang immediate Family ng asawa mo at kayo dapat ang Priority pero walang masama kung makisama parin ang asawa mo sa Pamilya niya. Minsan kaya hinde tayo gusto ng mga MIL natin baka nasa atin din ung Problema. Isipen din natin na d sin madali sa isang ina na hinde na ikaw ang Priority ng Anak mo marahil nakakaramdam ng selos ung MIL mo may mga ganung nanay talaga ang d kaagad naaccept ang asawa ng Anak nila kaya pakitunguhan at ituring mo nalang din siya nanay iparamdam mo sa kanya na hinde ka karibal sa attention niya sa Anak niya. Yan ang ginawa ko sa nanay ng asawa ko mula pa noon kc mahirap eplease ung nanay niya... Pero lahat ng manugang niya ako ung pinakaclosed niya ngayon mas mahal pa niya ako keysa sa anak niya kaya nung nalaman nila niloko ako ng anak niya galit sila at pinagalitan ung anak nila umiyak pa ang Biyenan ko sinabihan niya anak niya na hinde niya pinalaki na maging tarantado at walang respeto.. Kaya moms kapag ipakita mo na mahal mo sila mas mamahalin kapa niyan.at sa kapatid ng asawa mo huwag mo nalang pansinin subukan kaibiganin kuhanin mo ang loob para maturuan mo since bata pa naman yan magbabago pa yan.
Đọc thêmHindi natin kayang kontrolin ang naramdaman natin, kaya di kita pwedeng husgahan o sabihan sa kung ano ang dapat mong maramdaman. Bakit sila nasa inyo? dahil bakasyon?... Ang bata ay bata. Baka may special bond ang magkapatid kaya ganyan. Or namimiss lang nila ang isa't-isa. Wag mo sanang damdamin pa ito, bagkus ay mag-isip ng solusyon para makapag-bond ka din sa kapatid niya at yung anak niyo. Pansamantala lang naman siguro yan, halos malapit na din naman ang pasukan. Yan e kung hindi naman sila diyan mag-sstay ng MIL mo. Kausapin mo si mister mo, tungkol sa nararamdaman mo, wag kayong mag-away, masinsinang diskusyon lang naman ang kailangan para sa issue na ito.
Đọc thêmKung hindi naman sila matagalan or permanent na nanjan sainyo. Siguro po intindihin niyo nalang. Yung sa kapatid niya, naglalambing lang siguro at miss na niya ang kuya niya. Di mo naman yun mapipigilan sa bata. Habaan nalang ang pasensiya mommy. Pamilya pa din sila ng asawa mo. Baka pag nalaman pa ni Mister mong kinaiinisan mo pamilya niya, pagawayan niyo pa po, lalo kung madalang lang naman mapasyal jan sainyo. O kaya naman, baligtarin natin ang sitwasyon, mister mo naman ang mainis sa mga kapamilya mo, di mo naman siguro din gugustuhin. Always be the bigger person, momsh. Walang mawawala kung ikaw yung magpapasensiya at iintindi po.
Đọc thêmPalagi ko nman iniintindi pamilya ng hubby ko siss. Yung pagtrato ng hubby ko sa baby namin pagnandyan pamilya na iniintindi ko. Yung pag priority nya sa pamilya nya kesa sa amin iniintindi ko, yung mas gusto nya kasama pamilya nya iniintindi ko pero yung pinabubuhat ko lang sa kanya baby namin ang dami ng reklamo pero sa kapatid nya kahit isa wala. Mahirao maki pag bond sa kapatid nya siss sobrang maldita at ayaw sa ibang tao. Pag andito sila hindi nakakatulog ng maayos ang baby ko kasi labas pasok kapatid nya tapos kahit ano pinapakialaman..
ako sis inis na inis nman sa father in law ko and sa pmangkin ng asawa ko dikit din ng dikit di na din maintndi ng asawa ko baby nmen pano wla ung magulang ng bata ayun sarap buhay inom inom at outing di inaalagaan anak kaya ung asawa ko tinuturing na ama nya eh tuwang tuwa asawa ko dun kasi bibo kaya lang dinadaganan anak ko kataba taba 1 yr angld 6 mos anak ko 4 mos pa lang bnabato pa ng kung ano ano anak ko parang naiinggit gsto wag pansinin anak ko at sya lang lagi dapat kabata bata salbahe.
Đọc thêmHi momsh. Wag masyadong nega. Bata po yang karibal niyo. Walang kaalam-alam. All fun and games pa lang alam nung kapatid ng hubby mo. Sana ikaw umintindi. At ikaw magpaliwanag na, big girl na siya may pamangkin na so mag behave.. bigyan mo siya ng gagawin for the baby, like magtupi ng lampin or small cloths. Magkakaroon siya ng idea rin afterwards at siya maga-adjust ng kusa. Believe me. I have 22 younger cousins living with me in my grandma's house.. it always works. Goodluck.. 💪
Đọc thêmHindi mo naman dapat kainisan un, kapatid naman un ng asawa mo, bka close lang talaga sila ng kuya nya. Hindi naman masama na mamiss nila ang isat isa, tsaka solo nyo naman asawa mo pag wala sila sa bahay nyo. Wag mo din naman ipagdamot ung asawa mo sa pamilya nya.
hindi nman sa pinagdadamot ko si hubby sa pamilya. Mas napapansin ko kasi na mas gusto nya lambingin kapatid nya kesa sa anak nya. Pag ipapahawak ko sa kanya baby namin ang dami nyang reklamo pero pag kapatid nya wala kahit isa. Kahit masakit katawan nya nilalaro nya pero pag dating sa anak nya ang daming reklamo.
Nung tinananggap mo si hubby. Tinanggap mo na rin ang pamilya nya. Bahagi ka na din ng pamilya ni hubby na kinaiinisan mo. Asawa ka. Pero nanay yun. Kalma na lang po. Kunin mo loob ng mga kapatid nya. Madali pa yun kasi bata pa sila.
Intindihin mo nlng malay mo close lang tlaga silang magkapatid at namiss lang nila isat isa. Focuss kna lang kay baby mo :) at pag may time talk to your husband
selos lang yan momsh kausapin mo ung hubby mo, intindihin mo din ung kapatid nya bata pa un,dapat nga iclose mo para mas madali mo masabihan