Ask the Expert: Paano malalaman if expired na ang breastmilk ko? (Proper Breastmilk Storage Guide)

Hello everyone! Here's another Ask the Expert session on Breastfeeding & Lactation, specifically Proper Breastmilk Storage Guide! I am Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms. Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around how to do proper breastmilk storage, paano malalaman if okay pa or if expired na para lang breastmilk, ano lang tamang temperature to keep breastmilk fresh, sa ref ba ilalagay lang breastmilk or sa freezer dapat? Tara! Join me dito sa Q&A session, at i-comment ninyo ang inyong mga katanungan o questions related sa breastfeeding o lactation sa comment section below. Topic: Proper Breastmilk Storage Guide - Paano malalaman kung expired na ang Breastmilk ko?

Ask the Expert: Paano malalaman if expired na ang breastmilk ko? (Proper Breastmilk Storage Guide)
42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ms. Tin, pahingi po ng tips or best ways to pump kapag nasa office. Paano malilinis ang pump parts in between pumping sessions? No microwave, no ref in the office. Diba kasi meron pong nabibili na microwaveable bags na pwede pump parts isterilize?

11mo trước

Thank you, Ms. Tin. This is helpful at napanatag ako, sa house ko na lang isterilize pagkauwi.

Regarding Storing and Consumption of Pumped Breastmilk, first time mom here, I need your help regarding on how to store properly pumped breastmilk, how many hours will it lasts and proper consumption of the baby on refrigerated breastmilk.

11mo trước

we recommend also, last in first out para mas marami pang nutrients, kukuha lang ng frozen milk kapag naubusan na kayo ng fresh.

Ms Tin hello po, totoo po ba na bawal ishake ang pumped breastmilk? Twing naf-freezer ko po kasi namumuo-muo siya pag thawed na. Kaya minsan shineshake shake ko po gently. Ano epekto nito kay baby? Na worried lang po ako bigla. Thank you!

11mo trước

hindi naman harmful ang breastmilk kahit namuo, kung di lang mag combined lahat at maiiwan sa bag or container ay sayang ang bawat nutrients.

Ms Tin, Advice please. Normal lang po ba na kada dede ni baby ng pumped breastmilk ay mag poop siya? Mix feed po siya breastmilk and bonna, 8 days old palang po salamat!

11mo trước

hello. ms tin. pa’help nmn po. ano po ba ang tamang pagtimpla or prepare ng mixed feed, breast pump milk & enfamil. back to work n kasi me, wla pa ako na’ipon s ziplock na milk.tnx po in advance sa sagot

Hi Ms Tin! How can I properly use Breastmilk Storage Bags? Pwede ba yung iniipon ipon ko muna siya during pumping tas nasa lamesa lang habang pinupuno ko? or dapat ilagay KAAGAD sa ref sa unang pump?

11mo trước

Hi Mommy Hazel, pwdeng ipunin ang breastmilk kahit sa room temp lang, kung malamig ang panahon pwdeng within 10-12 hrs saka ilagay sa ref , kung ilalagay mo naman sa ref ay same temperature ang pwdeng paghaluin. 3-5 days sa ref at saka i transfer to freezer kung within 3 days ay di pa rin nagamit ni baby

Ms Tin ask ko lang po sana if normal bang magiba yung taste ng breastmilk after ifreezer and thawed? Nagiiba din yung amoy. Ang ending tinatapon ko nlng nakakapraning kasi

11mo trước

Hi Mommy , yes po normal lang, iba iba rin ang lasa depende rin sa kinakain or diet natin. don't compare sa ibang Mom. better try mo magpa-panis ng breastmilk mo kahit kaunti lang instead of itapos. robust naman ang ating breastmilk hindi basta nasisira. kapag nag separate na ang fats ng breastmilk after thawing pwdeng hindi na pwde, pero kung nag combined pa rin ang foremilk at hindmilk means pwde pa. kapag nagpa panis ka pwdeng everyday mo tignan at lasahan.normally ika 5-7 days ang ideal ng obserbasyon.

Traveling/Working mommy po kase ako maam Tin. So cooler cooler lang gamit ko, then transfer ko nalang sa freezer kapag may naabutang ref/freezer sa lodging. Okay lang po ba iyon?

Any advice po for proper breast milk storage? Pwede po bang dagdagan yung lalagyan ng milk storage na may laman na if 2-3 hours interval yung pag pump ko? Salamt po sa makakasagot

11mo trước

yes po, within 10-12hrs sa ref pwde mong pagsamahin ang breastmilk basta't same temperature. kung malamig na ang naunang naipon mo at may fresh ka, palalamigin mo muna ang fresh at saka ihalo sa nauna.

ms.tin bkit po kaya yung breastmilk kpag frozen tpos thawed sa chiller then pinainit thru hot water nagkakaroon ng yellow sa ibabaw i mean madilaw po.. safe po bang ipadede pa?

11mo trước

Hi Mommy Galay, wag mainit, better kung warm lang para di pa mabawasan ang nutrients , ang dilaw na nakikita mo ay maaring colostrum pa kung less than 1month pa lang si baby, or Hindmilk na normal na maputing maputi at madilaw, good fats at high sa DHA good for the brain.

Baka meron pong ibang indicators na expired na ang breastmilk bukod sa time? like sa lasa po or itsura. Ano po ang ibang factors na expired ang breastmilk?

11mo trước

bukod sa nabanggit mo Mommy, swirl mo ang breastmilk, kapag nag separate na ang fats or namuo na kahit thaw pa sa warm, means expired na.