My Evening Star has finally arrived

My Evening Star has finally arrived. EDD via LMP: Sept 13 EDD via UTZ: Sept 23 DOB: Sept 7, 2020 3160 grams Normal Delivery Everyone, meet Jade Yvaine G. Vasquez 9am ng September 6 nagising ako na may white discharge. Then inantay ko kung may pananakit ng tyan o puson. Bandang 12nn ayun na nasakit na nga pero tolerable pa naman. Inantay ko nalang mag out sa work partner ko para diretso na kami pupunta sa lying in. By 5.30 nakarating na kami dun pero wala pa kami dalang mga gamit kase sabi ko baka pauwiin lang din kung 2-3 cm pa rin ako. Nung pag ie sakin nasa 3-4cm na daw kaya di na kami pinauwi. Pinahatid ko nalang sa bayaw ko yung mga gamit. Mga 10 pm in-ie ulit ako, 5-6 cm na daw so antay antay ulit. Lakad at squats lang ako. Medyo di ko na rin kinakaya ang sakit, naiyak iyak na ako sa partner ko. After 4 hrs ie ulit, 6-7 cm na. Hanggang sa nag 1pm na 8cm pa lang. Nafufrustrate na ako kase ambagal ng progression. Kaso di naman ako makapaglakad lakad o squatting since di ko na kaya ang sakit. Sobrang nanghihina na ako non. By quarter to 4 saka lang nila naagdesisyunang insertan ako ng apat na evening primrose oil. So ayun, mga ilang minutes lang sobrang hilab na ng tyan ko. After makapagdeliver ng isang nanay doon, pinapasok na ako sa DR by 4.30 pm. By 5:03 pm ng September 7, my baby's out. Sobrang hirap ng labor kesa iluwal si baby. Although natagalan din ako ilabas sya since madami daw ihi na nakabara kaya ayaw bumaba ni baby. Buti mababait ang midwives and staffs doon. It's really all worth the wait and pain. Napa-thank you Lord talaga ako pagkalagay kay baby sa dibdib ko. Mga mommies, your turn naman. Let's all pray for your safe and normal delivery. Kaya nyo yan! 😘

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan