First Time Mom.
Any encouraging words/tips para po mawala yung takot para sa mga first time mom like me? Due ko po on may 28,2020 but ngayon palang puno na nang takot. Excited but takot. I have to stay positive and i don't know what to do. Thankyou po!
Nung buntis ako palagi ako tinatakot ng mama ko ewan ba baka yun yung way nya para maging strong ako hahahah. Palagi nya sinasabi. SIGE KA GUMANYAN KA KAPAG IKAW NAGKASAKIT TINGNAN MO NALANG ANAK MO PAGLABAS KULANG KULANG YAN! SIGE KA MAGOAKA STRESS KA PAGLABAS NG ANAK MO IKAW MAHIHIRAPAN IYAKIN YAN! SIGE KA WAG KA KUMAIN NG MASUSTANSYA KAPAG LABAS NG ANAK KO MALNOURISH YAN! SIGE KA MATIGAS ULO MO KAIN KA NG BAWAL.INOM SOFTDRINKS KILALA MO BA YUNG ANAK NI PARENG JOEL YUNG KAMBAL YUNG ISA DON YUNG PANGANAY SA KAMBAL KAKAINOM NG SOFT DRINKS AYON PAGLABAS NG BATA PATAY SA TAAS NG UTI!( TOTOO PO ITO) AND THE LAST ENJOYIN MO LANG ANG PAGBUBUNTIS MO MAKINIG KA SA DR.MO LALO NA MAGDASAL KA WAG KANG KABAHAN GAGA KA MAMAYA MA HIGH BLOOD KA PAREHAS KAYONG MAMATAY NG ANAK MO! BAHALA KA MAG AASAWA AGAD ASAWA MO WALA NG BISA KASAL NYO PATAY KANA EH! HAHAHAH KAYA AYUN PO NANGANAK AKO WALANG TAKOT NA NARAMDAMAN PURO SAKIT HAHAHA. KAHIT NA 2DAYS AKONG NAGLELABOR AT ANG DAMI NA NILANG SINASABI SAKIN AT SA ANAK KO NA MATUTUYAN NA DAW AKO GANITO NA DAW ANAK KO HAHAH. BAHALA KAYO DYAN! NAGDADASAL AKO DITO !
Đọc thêmNung buntis ako natatakot akong maglabor hahahaha pero sabi ng nanay ko pag nandun ka na sa sitwasyong un hindi mo na maiisip ung sakit, ang maiisip mo na lang makalabas ung bata. E sa sitwasyon ko 2.5 days ako nagle-labor nang walang nangyari, hindi ko ba maiisip ung sakit? Hahaha pinapatawa lang kita 😂 pero totoo un na hindi mo na un maiisip.
Đọc thêmAww. Ngayon nga po kahit hindi ko pa alam kung normal del ba ko parang gusto ko na magpacs. Hehe dami ko kinakatakutan
Nung first time ko di ako kinakabahan since di ko naman alam ung mga pagdadaanan ko. Nung 2nd pregnancy ko dun ako sobrang nerbyos haha. Anyways keep calm. Di pwedeng sobrang kabado ka to the point na tataas ang bp mo. Isipin mo na lang after all the pain of labor or kung CS ka man eh meron kang little one na makakarga and its all worth it.
Đọc thêmOpo. Trying po. Hopefully everything will be fine, in jesus name. Salamat sis!
Like you, first time Mom din ako. I got pregnant when I was 32, my child is now 3yrs old. Ganyan din po ako before, mommy. Hehe.. pray ka lang po. Sunod ka lang din sa mga advises ni OB mo. Eat healthy foods. Importante din ang support ni hubby and family.
Sure mommy. We'll pray for you and ur baby. Haha.. totoo un ✔
Nasa sayo un mamsh dapat isipin mo lang na safety nyo ni baby ang nakataya. Kaya isink mo na sa mind mo na kaya mo yan. Psychological kasi yan kung padadala ka sa tense ikaw din ang talo. Try ka din mag attend ng workshop about birthing.
Salamat po. Ill try to search mga workshops. Ganito yta talaga kapag first time.
Same tayu ng due but mine is second baby kona,mdyu knabahan pero pag nasa akto kana syempre lakasn mo na tlaga loob mo sis kc kaht anung takot mo dpat mo tlga ilabas si bby wla ka magawa...manalig ka lang...
Mommy! Ganyan din ako noon. Wag mong istress sarili mo kasi lahat yan mararamdaman ni baby sa loob. Be happy and positive! Everything will be okay. Just pray pray pray! You will have a safe delivery po. ☺️
...momshie..pray ka po lage...ang enjoy the journey. wag m masyado isipin ang takot. mas isipin mo ung excitement for being a mother. makikita m mabilis lang matatapos lahat.
Salamat po. Iniisip ko nmn na sana kayanin ko. Kaso talagang yung takot hindi mawala.
Ako sa panganay ko. Ganyan din ako. Natatakot ako manganak. Pero ang iniisip ko. Kung kaya ng iba, kakayanin ko rin. Kapag nagpatalo sa kaba baka may worst na mangyari.
Wwwwwwaaaaaah! Baby no. 2 na po yan, kinakabahan pa kayo. Lalo na siguro ako na wala idea talaga at all:(
Sabi nga ng ob ko ihanda mo na yung sarili mo na maramdaman yung pinakamasakit na mararamdamam mo buong buhay mo pero yung pinakamasaya kapaghawak mo na yung baby mo
Sana yung point na hawak mo nalang sai baby ang dumating agad e. Hehe
Preggers