Employed po ako at nastop sa work since lockdown. Last june nagsubmit ako ng mat1 sa HR namin pero 2nd week of july na saka palang napirmahan nung hr. They sent me my copy thru email pero sabi ng kasamahan ko sa work na preggy din that time na hindi raw pala si hr abg dapat pumirma nun kundi yung president sa work ko. Since bawal pa tayong lumabas na mga buntis, nanganak na ako hindi parin na nonotify sss na nagbuntis ako 😂 August 07 ako nanganak via NSD sa clinic.
2 months na si baby nong nakalabas ako ng bahay dahil baka mabinat pa raw ako kapag masyadong maaga. Dumiretso agad ako sa sss branch dito sa amin at nagtanong muna kung pwede pa mag late filing, ayun binigyan ako ng Reimbursement form na daw agad no need na mat1. Need lang sign ni Pres and copy of birthcert ni baby and yung pinaka latest kong utz.
Then the last time I checked my account sa sss mobile app thanks God at eto na lumabas 😇 wait nalang daw ako ng 3-4 weeks bago ibigay saakin yung cheque ng employer ko 🥰❤