UPDATE!!!!

EDD via LMP Oct. 2, 2020 EDD via UTZ (pelvic)Oct. 6, 2020 EDD via BPS Oct. 19,2020 DOB Sept. 25, 2020 MEET our Little princess Ileana Ysabella 1.5 kilos via NSD Sept. 25 IE lang ako ni OB dahil 2days ago close cevix pa ako kaya pag check nya 1cm na ko pero makapal pa din cervix ko kaya advice nya ko na maginsert ng everprime ng 5-6 pcs pero pag uwi ko naginsert ako ng 4pcs lang kasi ayaw na pumasok. Sinabayan ko ng rootbeer w/ egg na 2pcs nilagok ko agad then nahiga ako habang hinihintay ung everprime na matunaw. Around 3pm nararamdaman ko na humihilab na pero tolerable pa. Nagstart na ko magoras. 3-5 mins ang interval ng tolerable naman na pain. Nung gumagabi na 2-3mins nalang ang interval pero sinasabi ko s isip ko na baka bukas pa ako manganak. Nakalakad pa ko, nakakatawa, nakakakilos pa ko sa bahay. Mga 9 pm sinabihan ko na si lip na tumawag sa clinic kung ano advice pag 2-3 mins interval ng pain. Sabi lang, I-ie lang daw pero kung mababa pa din uuwi nalang ako. So di ako pumayag kasi mahirap un pauwi uwi pa. Kada IE pa naman 50 pesos kaya tiniis ko nalang. Naghalf bath na ako kasi mahaba pa yung gabi. Pero may sumama ng dugo pag ihi ko. Dun na nagstart yung pinakamasakit na narananasan ko buong buhay ko. May dalawa na akong anak. Lahat ng labor pain na hindi ko naranasan sa dalawang nauna ay naranasan ko sa napakaliit kong bunso. Halos umiyak na ko sa sobrang sakit na naranasan ko. Dugo ang lumalabas sakin kada hilab hindi tubig. Kahit nung nasa DR na ako hirap na hirap ako. Buong puwet ko lumuwa na yata nahiwaan pa ko at natahian ng 5-6 stitches. Awa ng Diyos @ 11.10 pm baby's out na. Sabo ng midwife tatahian daw ako. Nakiusap pa ako na kung pwede wag na. Hindi daw pwede kaya another pain ulit tiniis ko bukod pa yubg halukaw ube na ginawa sa puson ko habang nililinis. It was all worth it. Sa mga expected moms, kakayanin nyo talaga lahat ng sakit para sa mga LO natin. Kaya nyo po yan... Trust God for the plans He had for us.

32 Các câu trả lời

congrats mommy👶💗

Love those lovely eyes.. 🥰

thank you po

VIP Member

Ilang weeks ka nanganak sis?

38 weeks and 3 days po

ilang weekz k nanganakz sis

ahh ukei thankz and congratz ulet sis

Super Mum

Congratulations mommy 💖

salamat po

congratulations sis ❤️

thank you so much sis

Congrats po♥️

1.5 kg po siya paglabas?

opo 1.5 lang po. maliit lang po talaga sya pero nahiwaan pa ako kasi hindi ko talaga sya mailabas dahil hinang-hina na ko di na po ako makaire ng ayos. sa labor pa lang po kasi napagod na ko kaya nung lalabas na talaga sya nahirapan na po ako.

VIP Member

Congrats po 🤗

congrats po😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan