EDD via LMP: July 27
EDD via UTZ: July 20
Birthdate: July 13
Share ko lang po experience ko mga mommies. Last July 12 naglalaba kami ng asawa ko pero my oncall syang trabaho that time so ako nagpatuloy ng labahin mag isa. Then nung nag gabi nun nagstart na kong makaramdam ng pain sa puson sa likod basta di ko na maintindihan ung sakit nun. So nagdecide kami ng asawa ko na pumunta na ng lying in. Pagdating ko dun close cervix pa daw sya mga 11pm yun pinauwi kami kasi di pa naman daw lalabas si baby ko. Pero magdamag na kong di nakatulog kasi di ko na kaya yung pain eh wala akong ginawa kundi magtiis at umiyak. Paggising nila ganun pa rin sitwasyon ko pero madaming blood na talaga ung lumalabas sakin so pagdating ng 8am bumalik na ulit kami sa lying in pag ka ie sakin 2cm pa lang daw. Pero di na kami pinauwi baka daw magkaprogress naman. After 2hours naging 4cm na sya then may nilagay sakin na pampanipis daw ng cervix, wala pang 1hour inie ulit nila ako biglang nag 7cm agad so nagtawag na sila ng obygne kasi 1st baby ko eh. Pagdating ng oby 9cm na sya so pinutok na ung panubigan ko tapos nilagyan na ko ng pampahilab. Praise the Lord kasi after ng 4na ire nailabas ko na rin sya. Around 3pm sya nailabas.
Welcome Baby Lucas Claude
Jessa Billen