Our Little Angel Princess

EDD: Oct. 23, 2019 DATE OF BIRTH: Oct. 24, 2019 Via Normal Delivery After almost 16 hours of labor! Ito na siya! Grabe yung hirap na dinanas ko pero nung nailabas ko na siya di ko mapigilang di maiyak lalo na nung narinig ko na siyang umiiyak. Halos pahirapan pa nung nangyari ang lahat. Oct. 23 ng umaga nagpunta kong ospital to follow yung check up. Syempre due ko na. Marami nang pumapasok sa isip ko. Then in-IE ako. 1cm na daw kaya pinauwi muna ako at niresetahan ng eveprim. After ko uminom ng tanghali kinahapunan may lumabas na sticky at pinkish sakin. Sabi nila mucus plug na daw yun at malapit na ko manganak. 8 pm na kaya uminom na ulit ako ng eveprim. Pero wala pa din ako gano maramdaman hanggang sa dumating yung time na 8:45 biglang may umagos na tubig sakin. At first akala ko nawiwi lang ako pero hanggang sa madami nang lumabas at tumakbo na kami sa ospital. Ang dami pang nangyari 3cm lang ako nung in-IE ako. Akala ko mabilis na lang pero hindi pala. Wala akong nararamdamang contractions. Wala talaga as in. So naghintay pa din kami at dinala ko sa labor room. 3am na pero 3cm pa din ako ang dami ko nang kasabayan na nanganak na. Pero ako wala pa din so nilagyan ako ng eveprim sa loob ng private part ko. Halos mag 7am na pero 4cm lang ako at 2 banig na ng eveprim ang nagamit sakin. 9am 5 cm tinurukan na ng pampahilab. Then eveprim ulit. Hanggang sa 10 am na at 7cm pa lang ako pero sobra sobra ba yung sakit. Unti unti nang humihina yung heartbeat ni baby ko. Pati ako nanghihina na din. Kaya pinilit na nilang palakihin yung cervix ko. At pinaire na ko. Bumababa na din yung BP ko at nilagyan na ko ng oxygen. Grabe na hilo ko at gusto ko nang pumikit pero pinilit kong hindi at iire si baby. Kahit sobrang hirap at nanghihina na ko. Hanggang sa 11:10 am nailabas ko si baby. Nagkacomplication dahil nagbleed ako at umabot na ng 80/50 ang BP ko pero nung narinig ko yung iyak ni baby ko lumakas yung loob ko. Halos 3 doctor pa ang nagpapalit palit sakin para lang matahi ako dahil sobrang lalim. And now, I am so proud to say na nakayanan ko! Yes! Nailabas ko talaga siya. Here she is... My precious one. Meet my baby angel Yhurie Talitha Enriquez!

Our Little Angel Princess
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Congrats mamsh 💚