Birth story

EDD: July 26, 2020 DOB: July 26, 2020 Via CS Plan and goal namin ng OB ko na mag normal delivery ako, kaya ginawa ko lahat diet, exercise, meds. pero palapit ng palapit ang araw wala talaga ako nararamdaman na any signs or pain pa, until July 24, na sched ako ma induce. July 24 naka admit na ko, 1cm palang tapos tinurukan nako ng pampa hilab, wala parin ako maramdaman na pain hanggang sa natulog ako at lumipas ang 24 hours, July 25 habang naka dextrose parin ako todo squat ako and walking, medyo may pain na pag IE sakin 1cm pa rin, pero sumasakit na sya. Around 8am dun na nag start ang sakit, na parang kahit mag proper breathing ako, sobrang sakit talaga, every 3mins ang hilab at sakit pero still 1-2cm pa din ako. Naglabor ako hanggang gabi na, almost July 26 na, pero nung pag IE sakin 3cm pa lang, gustong gusto ko pa lumaban para sa normal delivery pero yung katawan ko ayaw na nya, hindi na talaga kaya sa sobrang pain ko nun, sa bawat blow ko gumagalaw talaga kurtina dun sa room. haha ganun sya kasakit, iyak ako ng iyak kaso sabi nu OB wag daw kasi baka mag poop ang baby sa loob, mag 12midnight na and sobra na ang pain ko kaso hindi sumasabay ang buka ng cervix ko, iyak ako and pinatawag ko na partner ko at sabi ko gusto ko na magpa CS, ayaw nya nung una pero nakita nya na sobrang sakit na talaga and mahina na ako, nag decide na rin si OB na Go for CS na kasi baka bumaba na BP ko and mag poop si baby. July 26 1am dinala nako for emergency CS and saglit lang narinig ko na iyak ng baby ko! She's finally out! tas pakarinig ko sa kanya, parang nawalan nako ng malay. Hays. Good luck to all mommies out there! Normal or Cs man Kayang kaya yan para kay baby! ❣️

Birth story
44 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello! Normal delivery din ang aim ko at wala ng ibang option. Last Feb 26, i gave birth to my first baby. Mabagal din pagbuka ng cervix ko hanggang 4cm lang siya. Ayaw daw bumaba ni baby. Hindi na din daw kasi ako tuturukan ng pampahilab kasi in pain na ako. Hindi rin pumutok yung patubigan ko. I was in labor for the whole day last feb 25. Hindi ko na rin kayang itolerate yung pain, every 2 hrs akong ina- IE ni OB pero wala improvement. Na CS din ako. And it's okay. We all have different pregnancy journeys...whatever it is, as long as we have delivered our babies as healthy and normal, then it is all that matters. Congratulations, sis! ♡

Đọc thêm
4y trước

Truuuee. Thanks momsh! 💕

Congrats mommy! Hays 38 weeks na rin ako ngayon and still no pain na nararamdaman. Pag di pa rin ako naglabor this week, iaadmit na ko on Aug 3. Ayoko pa naman sana ma CS.

4y trước

Pray lang mommy! makaka raos din kayo ❣️

Same momsh. Pagkaiyak na pagkaiyak ni baby, mapapaluha ka na lang sa tuwa at sabay mawawalan ng malay 😅

Congratulations mommy! Hehe and thank you for a goodluck. Team August here. Kaba is real.

4y trước

Team august here ,,

Super Mom

Congratulations, mommy. 💕

Thành viên VIP

Congratulations po,mommy💖

Congrats..

Congratulations po momsh

Congrats po mommy and baby 🤗

4y trước

Thank you po. ❣️

Super Mom

Congrats mommy! Hello baby! ❤

4y trước

Thank you po! 💕