Meet My Baby Girl

Edd: December 28, 2019 Delivered via Ecs: December 29, 2019 Meet my baby girl Nathania Lexynne Just wanna share lang yung pinagdaanan ko before manganak. Dec. 27 (39weeks & 6 days) ff check up ko that time, in ie ako 1cm palang, then pag ka ie sakin, sobrang sakin, sabi ng ob ko tutulungan niya akong manganak kasi mataas pa daw. Nag NST kami, pero nag interval palang ng contractions ko ay nasa 5 to 10 mins. So parang malayo layo pa talaga. Dec 28 (edd) , bumalik ako ng ospital kasi nilabasan ako ng mucus plug ng umaga, pagka ie sakin 2cm na pero mataas pa din daw cervix ko. Pinauwi ako, maglakad lakad daw ako at ginawa ko yun. Kinagabihan, masakit na talaga puson ko, makirot na hanggang balakang ko. Pinaninidigan ko pa din yung 2cm palang ako kaya need ko pa ng konting lakad.. Then mga around 10pm ng gabi, may napansin ako sa shorts ko na basa pero binalewLa ko kasi ang alam ko pawis lang. Hindi na ako nakatulog buong gabi nun kasi sobra na kirot at hilab ng puson at balakang ko. Kinaumagahan, nag exercise pa din ako, squat at lakad. Tas mga bandang tanghali, napansin ko, parang masama na pkiramdam ko. Ang taas na pala ng lagnat ko. Deecember 29, 2pm dinala na ako ng ospital.. Don na nalaman na 18hrs mahigit na pala akong putok ang panubigan, mabaho na din daw ang lumalabas na tubig sakin kaya nagdeclare na silang ics na ako. Naging kritikal ang lagay namin ng baby ko kasi kumalat na pala ang infection samin dalawa. So habang inooperahan ako nun, gising talaga ako dahil gusto ko masiguro na buhay at safe ang baby ko. At sa awa ng Diyos, eto na siya? grabi napakabuti ng diyos dahil hindi niya kame pinabayaan lalo na ang baby ko. Kinailangan nga lang namin mag antibiotics dalawa para mawala infection samin pero lahat ng pain at hirap ko worth it dahil ang healthy ng baby ko at ligtas kaming dalawa????❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan