NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!

EDD: December 11-21 DOB: November 18 Gender: Baby Boy ( Jacob Conner C. Mendoza ) 35weeks Makakapagshare narin ng experience. November 17 pass 6pm kumakain kami nakakaramdam nako ng pain ung feeling na para kang matatae na rereglahin,masakit pati balakang,pero nakakaya ko pa. Di ko alam na naglelabor na pala ako nun? hanggang lumipas ilang oras,ganun parin ang pain wala ng 10mins ang interval ng hilab grabe. Iniinda ko na talaga siya napapaupo nalang ako pag hihilab siya. Around 9pm nagpasya kami na magpunta na ng hospital,hinanda na namin mga gamit just incase. Di ko pa kabwanan kaya nagtataka ko bakit ganun na sakit. Pagpunta namin sa hospital sa ER diniretso ako sa examination room pagkaIE saken 4cm na pala ako. Edi kinabahan nako kasi masyado pa maaga para manganak ako kasi 35weeks pa lang si baby. Wala na magagawa kasi talagang dirediretso na di na kayang pigilan dahil nga 4cm na,inadmit nako. Dinala nako sa labor room. Alam mo yung feeling na hindi mo kasama mga mahal mo sa buhay,mag isa ka lang sa labor room gaano kasakit un di ba? Wala ka matawag. Hanggang sa 5-6cm na,lalo na tumindi ang pain nawawala wala naman pero sandali lang at hihilab na agad siya. Iyak nako ng iyak,panay tingin nalang ako sa orasan kahit na sinaksakan ako ng pain reliever 2x di tumalab sakin kasi mas ininda ko yung sakit. Gang sa nag8cm na aroound 7:20am na,dumating na ob ko,nakikita niya gaano nako nahihirapan sa sobrang sakit paga na mata ko kakaiyak. PagkaIE niya saken mag9cm na,nagdecide na siya putukin panubigan ko,edi lalo na sumakit kasi naiire ko na talaga di ko na kayang pigilan,dapat epidural gagawin,kaso sabi ni doc wag na dahil 10cm na,nandun na anesthethiologist handa nako turukan,pero di na pumayag si doc sabi niya kasi kakayanin ko naman daw. Nagtiwala ako saknya na kakayanin ko,kahit yung ibang doctor at nurse pinapalakas loob ko. Hanggang dinala nako operating room. Nawawalan nako ng lakas kakaire. Tinulungan nako ng ibang doctor para itulak tyan ko. Sige ire lang ng ire isabay daw sa paghilab. Ganun naman ginawa ko at wag daw sisigaw. Isipin nalang parang tumatae. 9am nailabas ko si baby. Awa ng dyos,healthy siya at di na nilagay sa incubator. Wala rin complication?worth it lahat ng sakit kapag narinig mo na iyak ni baby. Maginhawa sa pakiramdam. Di talaga tayo pababayaan ni god. Kaya sa mga momshie na manganganak pa lang,lahat ng sakit talagang titiisin niyo basta para kay baby?wag kayo matakot,lagi magdasal at think positive lang na kakayanin lahat at makakaraos. Hehe. Goodluck sa mga di pa nanganganak??God is with us all the time. Meet my little Warrior?♥️ Baby Jacob Conner C. Mendoza ? Via NSD

NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!
370 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same duedate. Hehe parang gusto kona ren makaraos. Araw araw nako hirap kahit sa paglalakad. Congrats sis

Ano po ginagawa nyo mamsh bat kayo napaanak ng maaga share nyo naman excited to be mother 😂 37weeks preggy po

5y trước

Napaaga tagtag ko. Kaya mga sumunod na weeks nanjan na ung nagbbleeding nako agad lumakad lang ako ng kaunti papunta cr. Madalas may mucoid na lumalabas may kasamang blood.

Congrats sis me nman 33 weeks kahapon nag1cm n agad kaya tinurukan ako Ng pampamatured ng lungs ni baby

5y trước

Thank you sis sobrang blessed kami 😇😊

Ang swerte mo mommy, ako nag preterm delivery din, 34weeks 6days, pero nasa NICU baby ko hanggang ngayon.😢

5y trước

ilang kilo ba si baby mo momshie? As per pedia niya kaya di na siya naincubate kasi nasa 2 kilos naman siya. Nagthreatened preterm labor ako bago ako manganak,naagapan naman nung una,kala ko nga 6 or7months manganganak nako nun,awa naman ng dyos tumagal pa umabot din ng 35weeks. Praise the lord ok si baby ko. Kaya mo yan momshie pakatatag ka para kay baby. Nagsusurvive siya para sainyo. Wag ka panghinaan.🤗

I love his name mine also jacob bryle barrun magdaraog❤️❤️😘😘😍😍😍😍

Thành viên VIP

congrats po :) may due date is december 3 kaso gusto ko na manganak ayw pa Lumabas hehe

35tg week here. Wow... God is great kasi nakayanan ni baby kahit napaaga. God bless po!

bago ka manganak maomsh may work ka po or wala at ilang months kana nung nagstop ka ng work

5y trước

Dati may work ako,band vocalist ako. Tagal ko narin nahinto,last year pa. Sa bahay nalang ako nung preggy pa ako.

congrats sis! 36weeks na ko bukas. 35weeks normal delivery ka? hindi inincubator si baby?

5y trước

Yes sis. Awa ng dyos. Healthy si baby kaya di na naincubator. Sabay kami lumabas ng hospital😊

Congrats po 😊 Sana ako din safe normal delivery ko 38 weeks and 2 days 😊😊