NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!

EDD: December 11-21 DOB: November 18 Gender: Baby Boy ( Jacob Conner C. Mendoza ) 35weeks Makakapagshare narin ng experience. November 17 pass 6pm kumakain kami nakakaramdam nako ng pain ung feeling na para kang matatae na rereglahin,masakit pati balakang,pero nakakaya ko pa. Di ko alam na naglelabor na pala ako nun? hanggang lumipas ilang oras,ganun parin ang pain wala ng 10mins ang interval ng hilab grabe. Iniinda ko na talaga siya napapaupo nalang ako pag hihilab siya. Around 9pm nagpasya kami na magpunta na ng hospital,hinanda na namin mga gamit just incase. Di ko pa kabwanan kaya nagtataka ko bakit ganun na sakit. Pagpunta namin sa hospital sa ER diniretso ako sa examination room pagkaIE saken 4cm na pala ako. Edi kinabahan nako kasi masyado pa maaga para manganak ako kasi 35weeks pa lang si baby. Wala na magagawa kasi talagang dirediretso na di na kayang pigilan dahil nga 4cm na,inadmit nako. Dinala nako sa labor room. Alam mo yung feeling na hindi mo kasama mga mahal mo sa buhay,mag isa ka lang sa labor room gaano kasakit un di ba? Wala ka matawag. Hanggang sa 5-6cm na,lalo na tumindi ang pain nawawala wala naman pero sandali lang at hihilab na agad siya. Iyak nako ng iyak,panay tingin nalang ako sa orasan kahit na sinaksakan ako ng pain reliever 2x di tumalab sakin kasi mas ininda ko yung sakit. Gang sa nag8cm na aroound 7:20am na,dumating na ob ko,nakikita niya gaano nako nahihirapan sa sobrang sakit paga na mata ko kakaiyak. PagkaIE niya saken mag9cm na,nagdecide na siya putukin panubigan ko,edi lalo na sumakit kasi naiire ko na talaga di ko na kayang pigilan,dapat epidural gagawin,kaso sabi ni doc wag na dahil 10cm na,nandun na anesthethiologist handa nako turukan,pero di na pumayag si doc sabi niya kasi kakayanin ko naman daw. Nagtiwala ako saknya na kakayanin ko,kahit yung ibang doctor at nurse pinapalakas loob ko. Hanggang dinala nako operating room. Nawawalan nako ng lakas kakaire. Tinulungan nako ng ibang doctor para itulak tyan ko. Sige ire lang ng ire isabay daw sa paghilab. Ganun naman ginawa ko at wag daw sisigaw. Isipin nalang parang tumatae. 9am nailabas ko si baby. Awa ng dyos,healthy siya at di na nilagay sa incubator. Wala rin complication?worth it lahat ng sakit kapag narinig mo na iyak ni baby. Maginhawa sa pakiramdam. Di talaga tayo pababayaan ni god. Kaya sa mga momshie na manganganak pa lang,lahat ng sakit talagang titiisin niyo basta para kay baby?wag kayo matakot,lagi magdasal at think positive lang na kakayanin lahat at makakaraos. Hehe. Goodluck sa mga di pa nanganganak??God is with us all the time. Meet my little Warrior?♥️ Baby Jacob Conner C. Mendoza ? Via NSD

NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!
370 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang galing nyo ni baby, mommy! Amen. God is Good talaga. 🙏 Congrats mommy! 😍

Thành viên VIP

Ang early ni baby lumabas same tayo edd. kaya medyo kinabahan ako ah, possible oala yun?

5y trước

Yes po. Kaya napaaga kasi threatened preterm labor. Ako,nung 32-34weeks. Awa ng dyos umabot pa ng 35weeks. At healthy naman siya,di naman siya kelangan iincubator.

Congrats Momsh, ang cute ni baby. Same tayo ng EDD super nakakaexcite na😍

Congrats momsh. Sana magnormal delivery din kami ni baby 🙏😊 and safe delivery

5y trước

Tiwala lang momshie. Magtiwala ka sa sarili mo. Think positive at magdasal.

Thành viên VIP

same sa akin momshi 35weeks din baby ko, healthy at di na icu pa.. congrats

Congratulations!!! God is good all the time, all the time God is good.💕

Wow sis! Ang galing normal delivery and hindi na NICU kahit 35 weeks

Congrats mommy! Same tayo ng edd. Medyo kinabahan tuloy ako and naexcite ❤️

5y trước

Wag ka kabahan,think positive. Lahat makakaraos. Magpray lang momshie. Ginagabayan tayo ni lord palagi.

Congrats sis...sana mailabas ko din si baby ng maayos at walang problema..

5y trước

Magtiwala ka kay lord sis. Magpray. Di ka nya pababayaan.😊🤗

Congrats mumma! Pareho tayo ng OB 😊😊 Kay Doc Solas din ako 😉

5y trước

Super bait ni doc. Nakapanganak nako 😊 Mag 3 months na si baby.