Normal lang poba mawalan ng gana kumain 11weeks pregnant,😭

diko alam kung anong gusto kong kainin wala akong maisip tapos naiiyak ako🥺

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same po mhie. Parang nawala panlasa ko. Thank God na lang talaga hindi ako nagsusuka. Wala lang gana kumain. Pero pilit pa din kumakain para kay baby. Yung ginagawa ko, mhie, kahit paunti unting rice and ulam basta wag lang magutom then madaming in between, kung ano ano. Tinapay, biscuit, pasta, fruits, kahit nga chichirya, juice, magkaron lang ng lasa sa bibig ko. Tinatry ko kasi wag masyado maging maselan, nahihirapan din kasi si hubby. Kaninang lunch, di ko na naman alam ano gusto ko kainin. Tapos naghanap talaga ako mga pictures ng ulam. Medyo natakam ako sa bistek. Buti may nabili si mister. Ok naman, nagustuhan ko sya. Ngayon ulit dinner, isip na naman 🥲 Kaya yan mommy, stay healthy!

Đọc thêm

Hirap din po akong kumain pero ang ginagawa ko, kumakain ako ng konting kanin then kapag may gana na talaga ako kumakain na ako ng madami kasi nawawala ulit appetite ko. Fruits po madalas kong kinakain kasi magaan sa tiyan. ☺️

try mo sabawan kanin mo, ganyan din ako hanggang 11weeks walang gana sa kahit anong pagkain, kapag kakain hindi ako nagpapawala ng sabaw para madali ko malunok yung kanin 😅 awa ng diyos pagtuntong ng 12weeks ok na ko sa pagkain

yes normal lang po yan . same tayo sis, wlang gana at mapili din ako sa pagkain.pero minsan pilitin mo prin kumain.

same po tayo . halos lahat ng kakainin ko ayaw ko puro pag susuka lang ako lagi 11weeks and 3days na po ako ngayon

7mo trước

same. 11 weeks & 1 day today

effect of hormonal change. moody and lost of appetite at times.