Palo

Di ko alam kung depression to, Kanina napalo ko yung 2y/o ko, napuno na kasi ako, alam ko nasa kakulitan na talaga sya kaso tatlo sila may 1y/o pa tsaka 1month old. Sabay pa yung inis ko sa tatay nila na wala na ginawa kundi mag laro ng mobile games. After ng work nya pag uwi sa bahay naglalaro na sya hanggang madaling araw. Minsan wala ng tulog magttrabaho na ulit. Dati naman natutulungan nya ako sa mga bata. Tuloy nadadamay mga anak nya sa inis ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan dahil nagagalit sya at ilang beses na rin kami nag away dahil pinababawasan ko sakanya yung paglalaro nya. Almost 1week na kaming hindi naguusap. Ok naman kami kaso hindi nya lang talaga ako makausap dahil busy sya sa paglalaro. Minsan nasusungitan nya pa kami kapag kinakausap namin sya. Nagtitimpi ako sakanya pero pag dating sa mga bata dun ko nababaling yung inis ko. Naawa ako sa anak ko pag napapalo ko sila. Maliliit pa sila eh. Naiiyak ako. Pag nagiging ganito ako naiisip ko yung ginagawa samin nung maliliit din kami. Grabe kami paluin. Ayoko sana gawin sa mga anak ko at ayoko rin na makuha nila yung ugaling pananakit sa anak pagdating ng panahon na sila naman ang magkakapamilya. Kaso pag nagagalit ako hindi ko na maisip yun. Parang gusto ko nalang mawala sa kanila para di na nila maranasan sakin to. Mababait mga anak ko sobrang malalambing, ngayon na napapalo ko sila napapansin ko nagiiba na rin ugali nila. Nagi-guilty ako. Gusto ko maayos ulit kami. Nakakaawa pag naaalala ko yung mga iyak nya habang pinapalo ko sya. Please need ko po ng advice nyo bilang nanay. Wala rin po kasi akong nanay o kapatid na nakakausap eh. Kapag may problema ako, mag isa lang po ako.

40 Các câu trả lời

Thank you sa pagiging aware mo na galit ka sa asawa mo at naipapasa mo lang sa anak mo ang frustration mo. Kailangan yun ang solusyonan mo-yung root ng inis mo which is related sa parental partnership niyong mag-asawa. Sabi mo sinabihan mo na si hubby, ang tanong ko ay "paano mo sya sinabihan?" Most likely kung pagalit o pautos ay dadaan lang sa kabilang tenga. Find the proper timing na active ang pakikinig niya and communicate how you feel. Haay. Sana mature sya enough to truly listen. Wishing you well.

Yes, maayos ko naman sya kinakausap. At tuma timing din ako, yung alam kong di sya pagod, at alam kong pwede ko na sya kausapin or biruin, kaso pag dating talaga sa paglalaro nya, nagagalit na sya sakin. Nag iiba yung mood nya, parang ibig sabihin nun wag ko sya pakialaman pag dating sa paglalaro nya. Like kanina, may mga bagay kasi kami na dapat iprioritize sa ngayon. Sabi ko pag may free time sya, yun muna unahin namin (late registration ng birth cert. Ni baby) napaka importante nun, sabi ko wag muna sya mag puyat para matapos namin this week, di namin nalakad ng mas maaga dahil din sa paglalaro nya. Imbes kasi lakarin namin hinahayaan ko sya maglaro ayoko rin kasi na mag away ulit kami dahil dun.

VIP Member

Naiintindihan kita mamsh kasi magkakasunod din mga anak ko 9,7 3 at 17months old baby. Pag stress ka na po hingang malalim bilang ka kahit hanggang isang daan sa isip mo or lumayo ka muna saglit sa mga anak mo kahit ilang minuto sa kwarto. Sa gawain po hinay hinay lang gawin mo lang is yung kaya ng katawan mo wag mo pilitin tapusin lahat sa isang araw lang di naman aalis yan gawaing bahay. At tuwing 3pm matulog kayo mag iina para ma refresh ang isip at katawan mo. Stay strong mamsh.

VIP Member

Mommy tao ka din. Napupuno. Hindi ko sinasabing tama, pero normal lang na magawa mo yun kasi nagkikimkim ka ng inis. Kailangan nyo magusap ng asawa mo tungkol dyan kesa magtiis ka at lagi mo mapagbalingan mga anak mo. At ang pagpalo ay hindi laging mali. Naging bahagi na yun ng pagdidisiplina. Pero pag sobra na, yun ang mali. Mahirap talaga pigilan pag punong puno ka na. Minsan pag ganyan ako, lalabas ako ng bahay. Magpapahangin. Hihinga. Tsaka ako babalik pag okay na ako.

Sobrang relate ako sayo, momsh. Yung galit natin sa tatay nila sa mga bata natin nababaling pag sobrang kulit nila. And true, nagbabago na ugali nila. Minsan pag di ko mapigilan na makapalo and alam ko malakas ang magagawa kong palo kasi inis na inis ako, sa mga bagay dito sa bahay ko na lang ginagawa. Like, mahahampas ko yung lamesa. Nakakapagod yung akala ata ng mga asawa batin, chill lang tayo kasi nasa bahay tayo kaya di cla makaisip na tulungan tayo. 😭

Nakakapagod.. 42 years old na sya tapos 28 lang ako. Ako na yung umiintindi ako pa minsan yung lumalabas na mali.

Ganan din po ako. Minsan napapalo ko yung 2y/o ko dahil din sa inis gawa ng tatay nila. Hindi man lang magawa makatulong pero nakakapag puyat sa pag lalaro. Pero sa anak hindi magawang magpuyat. 2y/o at isang 1month naman yung sakin. Nakakaiyak talaga yung ganan na pati bata nadadamay sa inis at sa pagod. Na para bang yung feeling mo e bawal ka magpahinga. Kahit man kang san pag restday e magawa man lang tumulong pero wala pa din. Haaayyyy

Para sakin, okay lang naman na mamalo po. As long as, after nun pag nawala galit mo. Explain mo sakanila kahit di pa nila maintindihan. Para din po maranasan nilang matakot. Okay lang yan momsh, minsan talaga mapupuno ka lalo kung stress ka at pagod ka. Pero try to control pa din kung kaya. Mahabang pasensiya po talaga ang kailangan mo. Ang liit ng mga yan, kakulitan po talaga yung ganyang taon.

Mommy kawawa mga bata wag mong ibaling yung galit mo..isipin mo sila tuwing magagalit ka..kontrolin mo sarili mo n masaktan yung mga anak mo dahil bata p sila wala p sila s hustong pagiisip kaya nasa kalikutan at kakulitan p sila habaan mo pasensya mo..mgusap kayo ng asawa mo n dapat kayong pamilya ang priority nya at hindi yung laro..wag mo damay anak mo pgmainit ulo mo o galit k s asawa mo.

sis big hug for you 🤗 Nasa sitwasyon din ako na napapalo at nasisigawan ko mga anak ko lalo na pag mag isa lang ako nag aalaga sa kanila . . ginagawa ko naman lahat din para di mapalo o masigawan dahil nga nakakaawa at my bad effect sa kanila un pero minsan talaga kahit anong pigil mo nagagawa mo padin mapalo o masigawan sila .. hirap talaga . naiisip ko din kung depress na to

Dahil gamer din partner ko, may times na babad siya sa laro kaya ang ginagawa ko pinapahawak ko si baby sa kanya at maghahanap ako ng excuses like maliligo, magccr tapos di ko kukunin. Aside from that, dinownload ko at nilalaro ko din yung game na nilalaro niya kaya ang ending magtutulungan kaming alagaan at patulugin si baby para makapaglaro kami ng sabay. 😊😊😊

VIP Member

Para sakin po hindi siya depression, normal po siguro talaga na mapapalo natin yung mga anak natin. Ako last night lang napalo ko yung anak ko kasi ayaw niya pang matulog tapos ako antok na btw she's 2 years old also. Tapos nung nakatulog na siya, umiyak ako kasi naguilty ako sa ginawa ko, para sakin normal po yun lalo na ngayong buntis ako. Mas mabilis ako mainis.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan