Dati uma-attend lang ako ng mga binyag sa mga inaanak ko, ngayon kami na yung nagpapa-binyag.
Iba na talaga ngayon, dati puno ang simbahan sa dami ng binibinyagan. Ngayon maximum nalang ng sampu o limang pamilya sa loob ng simbahan. Dati paramihan ng ninong at ninang, ngayon isang ninong at isang ninang na lang ang ina-allowed pumasok sa loob.
Sa panahon ngayon, kailangan nanatin mag-double ingat lalo na't may kasama tayong bata. Huwag kalimutan magsuot ng face shield at face mask, at sundin ang social distancing.
Kayo mga inay? Nabinyagan niyo na ba ang mga baby niyo? Anu-ano ang mga safety protocol na pinapatupad sa simbahan ninyo?
Stay safe everyone! 🤍 #christening #binyag #pandemicseason
Mariel Mendoza