Money matter

Hi co-momsh pag dating ba sa pera ng husband nyo affected ba kayo if ever na hindi kayo ang pinahahawak nya? Sabihin na natin na tanggap mo ng ganon asawa mo pero pag tinanong mo sya kung san nya ginastos tas parang medyo galit sya ano reaksyon nyo? Hahaha ako kasi pag may pera ako bili ako dito bili dyan. Pero di sya na tanong about sa pera ko. Minsan naman binibili nya din gusto ko pag may mood lang sya pero nakakapag tampo lang kasi na waldas sya ng pera sa Laro, bisyo ganon hahaha ewan ko parang na offend yun feelings ko pag sya ang na gastos although pinag hirapan nya naman yun

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sakin Di Naman big deal as long as Di sa Ibang Babae nya ginagastos Ang pera. at pag humingi ako ay Wala tanong😄 lalo pag anak namin Ang may need ko bilhan. Wala Naman bisyo asawa ko kundi sasakyan nya lang. motor at kotse. never din ako nag tanong sa mga gastos nya since open Naman sya sa lahat. may I access ako sa bank account nya, at nagpapaalam sya pag mag widraw sa emergency fund namin.

Đọc thêm

As long as napag usapan nyo both ang expenses nyo at nagkasundo kau sa hatian ng gastos its normal naman cguro na gumastos kau both para sa pansarili nyo. Pero may mag asawa kc na sabihin na natin na pinag combine ang earnings nila then saka nila hatiin. Kami ng asawa ko, pera ko pera ko lang, pero pera nya pera ko din hehehe

Đọc thêm

As long na pag uusapan niyo ng masisinsinan yung tungkol sa ganyang bagay. Magkakaintindihan kayo. Dapat pamilyadong tao na mister niyo, kahit hindi na ibigay yung sweldo niya sa inyo alam dapat niya ang priority. Set aside ang bisyo para sa pamilya. Pero dapat kausapin niyo po, para alam niya rin saloobin niyo.

Đọc thêm

Yan po ang mahirap money involved na sa mag asawa kaya kelangan open kayo both sa mga gastusin niyo.. Kami kasi ni hubby ko nagpaka housewife muna ko ngayon habang baby pa sa 2ndborn namin.. Siya lahat sa gastos pati mga luho ko.. Mas naiinis pa ko sakanya kasi di siya nabili pansarili.. Puro lahat para sa amin.

Đọc thêm
Influencer của TAP

kung kayo po ay kasal na. dapat po pag usapan nyo na yan atbmag budget kayo together. hindi po pwedeng hiwalay ang pera ninyong mag asawa unless pinag kasunduan nyo po na gusto nyo may kanya kanya kayong pera. Kasi po kayo ang partner in life dapat pag dating sa budget partner din po kyo.

talk about this with him. iba -iba kasi tayo eh. most likely kaya hindi ka niya pinapakialaman sa pera mo is because he doesn't want to be bothered sa spendings nya. communicate with him lalo kung tingin mo na parang walang sense yung pinagkakagastusan niya.

ako d ko rin naman hawak pera ng asawa ko, dahil my kanya2 naman kaminf kita. sa sitwasyon namin hindi big deal sakin dahil alam ko naman na nasa savings lang ung pera na kinikita niya. Pero winaldas sa bisyo nku kausapin mo dahil walang patunguhan yan.

Thành viên VIP

Communicate Po kayo,always talk to them specially pagdating sa Pera. It's a mutual thing ask them about your money goals doon ko din nakuha loob Ng hubby ko, sinasabi ko sa kanya ano binibili ko pati ibang pinag gagastuhan ko Ng Pera.

mas gusto ko hindi humawak ng pera ng asawa ko, ayokong magdagdag ng ima-manage, lalo na he's the one taking care of our expenses, ako naman ang bahala na magmanage ng mga funds sa bank accounts namin.

nao-offend ako pag yung ako may pera tapos lahat napupunta sa bahay (bills, kay baby, food, eat out naming family) pero pag siya inuuna niya luho. Ganon.