Share ko lang,wala kasi akong mapagsabihan.:(

Buntis ako,nacrave ako sa pansit na bigay ng kapit bahay,pagkabigay tinikman ko kaagad,biglang nagsalita bf ko na Patay Gutom daw ako,nasaktan ako don sobra bigla nalang ako napahinto at nagkasagutan nalang kami.

47 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako din e ang sensitive ko. Hindi pa namin alam na buntis ako, napapansin nang partner ko sobrang lakas nang cravings ko. Order ako nang order sa jollibee at mcdo 😂 sinabihan ba naman ako maawa ako sa ktawa ko. Ganyan din naging reaksyon ko. Tumigil ako sa pagkain at maghapon ko siya di kinibo. Sobra talaga ang cravings. Bago ako mabuntis kaya ko yang mga fasting na yan. Pero ngayon kung ano maisip ko kelangan makain ko kapag hindi ko nakain. Nagagalit ako sa partner ko, nagagalit talaga ako. Para ako mababaliw 😂 tapos isusuka ko rin 🤮.

Đọc thêm

parehas tayo momshh ganyan din sya saakin noon Kahit ngayon pabayaan mo nalang momshh Kaisa naman ikakasama pa nang baby mo yan fight lang po momshh kaya mo yan Pakatatag ka lang nakaya ko po din mag isa ang Mag tiis pagtitimpi kaya Alam ko din po na kaya mo yan Kapag natapos na po yan Duon kana po Mag dicide kung ano po ang gagawin mo po Yun lang po ako po Wala na po kame At i'm happy for that Kase malusog baby ko at kasama ko na baby ko yun lang po hehehe sana po makatulong kahit papaano po 😊

Đọc thêm

pag buntis kase tlgang maramdamin. kaya tatagan mo lng momsh. masama sa bata. baka nag biro lng ang asawa mo. kaso dahil maramdamin tayong mga buntis. nasaktan ka. hehehhe. ako nga naglilihi nun sa cake. naiiyak pa tlga ko. pero ang sagot lng ng asawa ko hndi nmn dw totoo ung pag lilihi. arte lng dw un. sumama din loob ko. actually hanggang ngayon pag naiisip ko. heheheh. pero never na ulit ako nag demand sa kanya ng cravings ko. ako nlng gumagawa sa sarili ko 😊😊 less stress

Đọc thêm

Sabihin mo sa bf mo at iexplain mo na pag buntis,ganyan ang nararamdaman. Sensitive tayo sa mga salita. Ma emosyonal tayo. Kaya sana,konting sensitive naman. Hindi madali magdala ng bata sa sinapupunan (lagi tayong puyat,nagsusuka,nahihilo,may constipation,masakit balakang at likod,bukod pa sa napakalaking obligasyon natin which is ang manganak.) Kaya bilang tulong niya at suporta niya sayo at sa baby mo,sana lakihan nya unawa niya. Dahil hindi madali magbuntis.

Đọc thêm

nakaka walang gana ang lalaking mga ganyan. sana mag buntis din mga lalaki... alam ng husband ko kung gano ako naghirap sa first 4months ng pagbubuntis ko... nabahala sya kasi from 97 kilos nag drop ang weight ko to 82kilos... kaya within the 4 months... lagi nya ako dinadalhan or pinababayaan nya akong kumain basta gusto ko kahit na hiningi ko lang sa kapitbahay... busit ang BF mo, ewan ko lang ano gagawin ko jan kung ako pa sinabihan ng ganyan.

Đọc thêm

Ako kahit inaasar nya ko di naman nya ko nasabihan na patay gutom baka pabiro lang nya sinabi sayo yun momsh. Ako kasi lagi din ako inaasar na matakaw, mataba or baboy na daw ako pero di ako nagpapatalo aasarin ko din sya ng pang asar like mas muka pa syang buntis kesa sakin. Minsan kasi sensitive talaga tayong mga buntis pero pag alam mong mapang asar si partner wag kang magpapatalo asarin mo din. 😉

Đọc thêm
Thành viên VIP

Dapat biniro mo nlng din na same lang kau haha pra patas ang asaran..ung word na patay gutom is malalim kaysa sbhan ka lng na gutom nu ba kcng lalaki nkakarelasyon nyo puro kanto ang mga salita😣✌🏻 khit aq masasaktan nung bka qng ano pa mgawa q hayyy..nxt tym mommy hinay nlng din sa pagkilos bka gutom din asawa mo at naagawan mo pa kaya ganun snbi😁✌🏻 be patient nlng po👍🏻

Đọc thêm
Thành viên VIP

Tiis lang mamsh. Ako din may isang araw na nagsabi ako kay mister na siya muna bahala sa buong araw kasi sobrang sakit ng likod at balakang ko. Meaning siya muna mag luto at lahat. Ang ending, 2pm na ko nag lunch at 11pm nag dinner. Nagtatampo agad ako kasi parang hindi niya ako inaasikaso alam nman niyang kailangan kumain on time ang buntis.

Đọc thêm

grabe naman yang asawa mo. di ba nya alam na sensitive tayong mga buntis? hmmm sabihin mo sa kanya next time sya na magbuntis. nakakaiyak kaya lalo na pagtungkol sa pagkain. heheheh ako nga inaawat ako palagi sa pagkain kumain ako nung napansin ng ate ko madami na ko nakakain inagaw yung pinggan ko. umiyak din ako. HAHAHAAH 😂😂

Đọc thêm

Ung partner ko natutuwa pag kain ako ng kain 3months kasi akong maselan mag preggy hindi talaga ko nkain sinusuka ko lang kaya natutuwa sya pag madame akong kinakain . Tska never nya kong inaaway ngaun kasi kunteng taas lang ng bosese nya badtrep n ko at niiyak na ko kaya iwas sya ee😂 kung ayaw nyang maging kamuka nya anak nya 😂

Đọc thêm