Stress
Buntis ako baby girl, lately lang nalaman sa bahay namin, hindi matanggap ng papa ko, ‘yung mama ko accept naman na niya sabi niya kasi it’s a blessing. Boyfriend ko nakabuntis sakin, 7 months palang kami. Almost 6months na ako. Gusto ng parents ko pakasal kami, ayoko pa kasi hindi pa ako ready sa buhay may asawa. Pananagutan naman ng boyfriend ko yung bata, actually nagbibigay na siya and naghahati kami sa gastusin, ayaw niya ilayo sakaniya yung bata ganon. If di kami magpapakasal lalayo niya bata sa boyfriend ko. Stable kami di sila umaasa sa kinikita ko sa work yung mga magulang ko. Kanina pag uwi ko lasing papa ko gusto niya ako makausap kung ano na ba plano ko.. Galit siya, sinisigawan niya na ako, tas pinaghahampas na ako, muntik na ako madapa, tas iyak ako ng iyak sobrang stress at depress po ako. Muntikan niya na din ako sikmuraan buti nalang andon mama ko at kuya ko. Pinipilit na ipakasal pa kami, nung sinabi ko na ayaw ko nagalit mas iniisip nila yung kahihiyan ko daw kaysa sa feelings at health ko. Btw I’m 23 na po. Parehas po kami working. Need advice :(