Kalaro ni baby

Hello mga mii. 1yr old and 9 months na si baby ko may mga kalaro siya na may age 5-10yrs old. Kaya lang yung 5yr old na babae nag iisang anak ng kapitbahay ko, para sakin napansin ko spoiled siya. Agad siya umiiyak pag hindi nakuha yung gusto. Umiiwas din mga iba niyang kalaro kasi agad agad nagsusumbong sa mama niya. Ayaw niya din may ibang hinahawakan na bata yung daddy niya umiiyak talaga siya ,nagdadabog, bagsakin yung pinto then magkukulong siya sa bahay nila. Sinisigawan niya din yung anak ko kasi ayaw niya magpahiram, pero pag may new toy yung anak ko siya yung una nagbubukas tas hihiramin namin yung laruan niya ayaw niya nakikita ng mama niya yon pero hindi niya sinusuway baka nagsawa na din kakabawal sa anak niya. Kung ano meron si baby ko binibilhan ko din siya. Kapag pumupunta siya samin hindi ko mapagsabihan kasi nagsusumbong siya, pag binawala ko siya mananahimik siya then uuwi bigla. Kahit sa tapat lang na bahay yan what if may biglang dumaan na motor masagasaan siya diba?? Karugo ko yung bata. Ayaw ko na sana kalaro ng anak ko yun, pero pano ba iwasan yung ganun ??? 😢 Mababait kasi samin magulang nung bata e. Magiging Kumpare/kumare na sa next baby nila. Sinabi din kasi ni mama niya samin na hinihintay lagi ng anak nila kalaro yung baby ko. Ako naman, naawa ako kasi yung mga iba niyang kalaro ayaw na dun sa batang yun kasi agad agad umiiyak at nagsusumbong. Ayaw din magpahiram. Na sstress ako, kasi nahihiya ako sa mga magulang nung bata na iwasan siya. Super likot din kasi di mapagsabihan. Gusto namin magtambay ng anak ko garahe namin di namin magawa kasi pumapasok siya. Stress ako mii. hindi namin magawa ng anak ko yung gusto namin gawin kasi lagi sumasama yung batang yung samin tas pag binawalan nagsusumbong sa mama niya sympre bata yun iba na kwento. Hal. nalang nung nagyayabang siya sa daan na super bagal daw namin siya na daw winner tas pinagbawalan ko na wag tumakbo kasi may mga dumadaan na sasakyan. Ayun, umuwi siya sumbong sa nanay niya. 🥴 Ineeexplain ko naman dun sa nanay niya e. Pero lagi nalang ba ganun??? Bat di niya kasi bantayan anak niya at pagsabihan na wag sumasama. Tas pag may bisita kami dito din siya naglilikot. Nakakahiya naman pauwiin. Bigla nalang din pumapasok sa bahay namin tas kukunin laruan ng anak ko ng hindi nagpapaalam tas makikita ko nalang na nilalaro na niya. Hayyy

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

kahirap naman ng sitwasyon mo mi..hehe..sorry pero pag ganto magiging strikto ako..pag sa mga laruan itatago ko na lang sa kwarto na hindi niya mabubuksan..yong mga gamit na hindi niya pwedeng magalaw..minsan kasi kailangan din maging strikto kahit sa kalaro ng mga anak natin e..hindi naman kasi maiiwasan na maiirita ka na hanggang maistress ka na talaga..pero hindi rin pwede ganon kailangan din natin ng mahabang pasensiya lalo na bata..kung kayang magtimpi, magtitimpi na lang pero kung hindi na kaya kung anong kaya mo mi gawin mo na lang

Đọc thêm
10mo trước

ganun mii ginagawa namin di nakami naglalabas masyado. tapos iniiwasan na namin yung bata. pag nakita namin siya mag iibang way kami. ayaw ko na kasi palaro talaga yung batang yun sa anak ko. pero stress konti kasi pag lumalabas kami patago tas iniiwasan siya. alam mo pa mii yung nakakahiya minsan kasi nasa gate siya tumatawag pag alam niyang naka tambay kami sa sala. 🥴 tas nakikita yon ng mga magulang parang ako pa yung nahiya kasi iisipin nila ayaw ko papasukin sa bahay yung anak nila. 😢🥴 nakakapagod kasi mi, alam nilang may toddler tas idadagdag pa sa bantayin yung anak nila. 🥴🥴