Stress

Buntis ako baby girl, lately lang nalaman sa bahay namin, hindi matanggap ng papa ko, ‘yung mama ko accept naman na niya sabi niya kasi it’s a blessing. Boyfriend ko nakabuntis sakin, 7 months palang kami. Almost 6months na ako. Gusto ng parents ko pakasal kami, ayoko pa kasi hindi pa ako ready sa buhay may asawa. Pananagutan naman ng boyfriend ko yung bata, actually nagbibigay na siya and naghahati kami sa gastusin, ayaw niya ilayo sakaniya yung bata ganon. If di kami magpapakasal lalayo niya bata sa boyfriend ko. Stable kami di sila umaasa sa kinikita ko sa work yung mga magulang ko. Kanina pag uwi ko lasing papa ko gusto niya ako makausap kung ano na ba plano ko.. Galit siya, sinisigawan niya na ako, tas pinaghahampas na ako, muntik na ako madapa, tas iyak ako ng iyak sobrang stress at depress po ako. Muntikan niya na din ako sikmuraan buti nalang andon mama ko at kuya ko. Pinipilit na ipakasal pa kami, nung sinabi ko na ayaw ko nagalit mas iniisip nila yung kahihiyan ko daw kaysa sa feelings at health ko. Btw I’m 23 na po. Parehas po kami working. Need advice :(

38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kultura ng matatanda yan magpakasal pag nabuntis. Pero sa panahon natin ngayon, isip isip muna.

Di dapat maging rason ang bata para magpakasal. Jusko 2019 na may mga ganyan pa ring mga magulang.

Thành viên VIP

Pag hindi na lasing tatay mo saka mo sya kausapin. Mag heart to heart talk na lang kayong dalawa.

We should teach the young ones to value the love and not the lust. Marriage first before baby.

5y trước

That is why you should be more careful and responsible for your action. Para walang magsusuffer. You yourself, the child, and your partner. We make mistakes when we are not thinking about things carefully. 🤷‍♀️

Wag ka magpastress mamsh kaya mo yan pray lang po

parang may delusion sa concept ng marriage both from pro and against. ang marriage hindi sya parang ticket towards a happy family life. kasi kasal man o hindi, araw araw na commitment ang pagsasama. mapa-pro o against ka sa marriage, the notion na "fix-all" solution ang marriage is wrong. Sa mga against dito, paano daw kung may mga pangyayaring hahantong lang din naman sa hiwalayan. Yun na nga. Kaya hindi magpapakasal para anytime pwede makipaghiwalay kahit na may anak na. Anytime na may nakitang sa tingin nila eh mas worthy, hihiwalayan na. That's not how it works. You are bound by a sacred vow and you should always choose to work it out. Sa mga pro naman, parang lumalabas ticket na agad to having a happy family yung marriage. Kaya maraminh naghihiwalay pa rin kahit kasal na kasi sa ilusyon na dapat kapag kasal ka na, smooth sailing na lahat. Hindi po ganun yun. Laging anjan parin ang trials na susubok sa pagsasama nyo, kaya kung magpapakasal ka na hindi nababago ang pananaw mo sa marriage, dapat as early as now baguhin na. Para sakin lang, parang kaduwagan at katamaran yung rason na hindi magpapakasal kasi pano kung di gumana yung relationship. Pero sa case mo ate, wag ka muna magpakasal kasi youre unsure pa PERO wag ka din makipag live in. Dont do what married couples are doing if youre not ready to commit to marriage pa. Iexplain mo sa papa mo na youre just making sure. Hihintayin mo muna kamo na makalabas si baby bago ka magdecide.

Đọc thêm
5y trước

Eto yung isa sa pinaka may sense na comment, di tulad ng iba dyan hays.

Thành viên VIP

Wala nkong parents pero same tau be 7 months plang kami ng bf ko saka 6 months preggy . Nagsama na kami sa iisang bubong nagplano kami pra sa future namin at sa anak nmn. Hindi nmn porket nabuntis ka need na magpakasal pero naiintindihan ko din nmn ang magulang mo . But sayo mismo decision masusunod at nsa tamang edad ka naman.

Đọc thêm

Kung hnd ka pa handa mag asawa pede nmn mag livein muna kayo .