Need Some Advice Momshies

Bale LDR po kami ni partner ngayon, kase ako dito lang da probinsya namin tas sya nagwowork siya dun sa kanila. 12hrs ang byahe papunta sa kanila, minsan 14hrs pa. Ang plano kase namin is magsama na kami sa december sa kanila hanggang sa manganak ako. Ipapaalam daw muna niya sa tito at lola niya kung pwede. Ipapaalam niya sa tito niya kase yung bahay na tinitirhan nila with his lola and dalawang batang kapatid is kay tito niya (di pa kase alam ng tito niya na buntis ako, minsan kase natatakot sila sa tito nila kase kung anu ano pinagsasabi sa kanila pag lasing siya. Lasinggero kase talaga yun) . Pero ang sabi naman daw kase ng lola niya nung isang araw lang is dito na lang daw ako kase masikip daw sa bahay nila. Pero sabi naman ng partner ko makikiusap daw siya ulit. Ano po bang dapat gawin mga momshies? Mahirap rin kase ang nagbubuntis na wala sa tabi mo ang partner mo. Parang saken, stress na stress ako at laging nag ooverthink. Tsaka gusto ko din naman talaga na kasama namin sya hanggang lumabas si baby.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mukhang ayaw ka naman ng family nya dun. Mas maiistress ka lang kung ganun mga makakasama mo sa bahay. Wag mo ipilit sarili mo sa lugar na hindi ka naman gusto dahil kawawa naman si baby

How about bumukod po? Di po ba kakayanin? Mahirap po kasi makisama lalo na pag di parents.

5y trước

Wala pa kasing pera para bumukod sis kaya magtitiis na lang muna sana sa bahay nila