Annoying step sister in law

Ako lang ba yung may step sister in law na annoying ? actually hindi lang sya kundi kahit yung mother in law ko. Ganito kasi yan nung nanganak ako dun ako sa kanila dumeretso hindi sa bahay ng parents ko in respect nalang din kasi dun din naman kami nakatira nung buntis ako . Okay lang naman sana kung dun kami eh kaso ang baby ko ang di tlga hiyang sa kanila. Most especially ako.pag dun ako nawawala gatas ko kasi di naman ako.makakain ng maayos doon di kasi sila nag luluto . Di naman sa nag iinarte pero CS kasi ako di halos maka galaw2 lalo nat laging umiiyak si baby don. then yung sister in law ko lagi niyang pinapamukha sakin na di daw kontento si baby ko sa gatas ko ..Wla daw akong gatas tapos naisip niya pa nga na makihingi ng gatas sa iba and nsaktan ako. Kasi wla akong say don. parang di ako nanay ng anak ko sila dpat masusunod. Okay lang naman na sobra silang magmahal sa anak ko pero pano naman ako hanggang sa tumaas blood pressure ko umiyak ako ng umiyak humingi akong tulong sa mama ko sa mga kapatid ko ayon kinuha nila ako. Natakot din kasi husband ko na baka mapano pako. To make the story short pag tintry ko na dun matulog lagi tlgang umiiyak si baby di rin nila mahawakan kasi umiiyak pag sila ang humahawak. di kagaya sa bahay. hiyang na hiyang sya sa mga kapatid ko sa mga pamangkin at sa parents ko. Kahit nga sa daddy niya umiiyak sya di sya mapatahan . Tapos naiinis ako kasi lagi silang .nag chachat sakin na iuwi ko na daw anak ko dun sa kanila. Like hello ? di pa ba obvious sa kanila na kapag nandun kami umiiyak si baby tapos stress na stress ako kasi lagi nilang pinapasa sakin kapag umiiyak. okay lang sila pag di iiyak si baby pero pag umiiyak dpat BF agad kahit di naman gutom yung bata. Nakakainis kasi sakin pa sinisisi sasabihin di daw kontento anak ko sakin. Tapos yung sister in law ko pa laging nagagalit sa kin Lagi niya kong iniirapan eh sila lang naman nagpapaiyak sa anak ko tapos kung maka demand sya na iuwi ko anak ko dun sa kanila ? kakainiiis. Akala nila nilalayo ko anak ko eh hindi naman. dinedny lang tlga nila na ayaw ni baby doon. Kakainis tlga . Hays. plano ko punta punta lang don . So yun . Sorry guys ha. Pero inis na inis na kasi ako eh di ko rin masabihan si hubby kasi ayoko na ma offend sya

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ganyan lang din naman ma edi magstay kana lang sainyo. dun ka sa lugar na hindi toxic sainyo ni baby tsaka dahil din sa stress kadalasan kaya humihina ang milk so good decision ma na jan kana lang. Tsaka your child, your rule! ikaw ang nanay, ikaw at ikaw lang ang masusunod pabayaan mo yang inlaws mo and one more thing mas okay kung magiging open ka din sa husband mo, di naman siya maooffend basta dahan dahanin mo lang. Ganyan kase ginawa ko sa lip ko nung narinig ko inlaws ko na gusto ng iformula anak ko so sinabe kong ayoko. ngayun ebf padin at 5months kame ni baby😊. Cs din ako ma.

Đọc thêm
5y trước

yes. thanks.

I feel you momsh.. nkakairita sya...sa una lang sya mabait..then nung nd na kme nkatira sa bahay ng asawa ko lumabas ang tunay na kulay.. feeling magaling eh wla naman ibuga..magaling lang magpost ng kung ano2.. kaya mas kampante ako na dto kme pinatira ng mama ko sa sarili naming bahay dahil ayoko dn mamiyanan eh..sobrang hirap gumalaw..and ung turing ng magulang ko sa asawa ko is parang tunay ndn na anak compare sa in-laws ko na nag iisa na nga aqng manugang na babae eh nd ko mafeel lalo na sa mother-in-law ko

Đọc thêm
5y trước

Uo nga momsh same din sa amin. Hay nako

Let it go. Ang mahalaga nanjan na kayo sa house ng parents mo. Tell your hubby na firm ba decision mo na mas ok na dun kayo kasi mas naaalagaan kayo parehas ni baby mo. I'm pretty sure napapansin din naman yan ng hubby mo baka hindi lang niya sinasabi sa'yo kasi ayaw niya ng conflict. Pagusapan niyo and compromise siguro like evey Sundays dalaw kayo don then uwi din kayo oara atleast nakikita pa din nila yung baby mo.

Đọc thêm
5y trước

Yun din naman plano ko kaso everytime na nandun kami na bigla2 sasabihin na hindi na.kami.uuwi pa sa amin. Natatakot na nga ako minsan baka di na tlga kami.pauwiin . Kaya sinesenyasan ko na si hubby na.gusto ko ng umuwi.

Thành viên VIP

Wala naman silang say kung saan mo gustong dalhin ang baby mo. Kahit pa sabihin nilang nilalayo mo or what. In the first place, extended family lang sila ni baby. Wag sila mag assume na parang required na bisitahin sila. Kung gusto nila makita si baby edi sila pumunta sainyo. Mga pa-importante. Kung ako yan bahala silang mag inaso dyan di nila makikita anak ko

Đọc thêm
5y trước

Macha Tolits baka nga sis ano? baka nga di talaga ako gusto ng mga in laws ko. Feeling ko din kasi napipilitan lang silanf pakisamahan ako eh

Thành viên VIP

Mommy, you need to talk to your husband kasi pamilya niya yun. Siya ang dapat kumausap sa kanila. Valid naman reason mo na mahirap naman na magluto ka pa habang nag aalaga ng baby. Regular visit na lang kayo every weekend pero dun ka magstay kung saan mas comfortable ka.

5y trước

Yun po yung mistake mo sis, kasi dapat inoopen mo yan sa husband mo. Siguro nmn maiintindihan nya sitwasyon mo. Hindi ba xa mama's boy? Dapat kasi sa mg asawa communication. Mas ma stress ka nyan kung sasarilinin mo lnh

Thành viên VIP

Hayaan mo sila. Tutal andyan kna sa inyo. Deadma mo nalang. Minsan talaga may mga ganyang in laws kung makapag demand akala mo sila ang magulang ng bata eh. Prangkahin mo nalang kung gusto kako nila makita baby mo mag effort sila na dumalaw sa inyo. Haha

5y trước

Yun nga din gusto kong gawin sis kso wla din akong lakas ng loob na sabihan sila ng ganyan ayoko kasi ng gulo. Sineseen ko na nga lang minsan or di kaya may alibi akong sasabihin kesyo wala kaming peran ganon. xD

Better talk po kayo ni hubby. Para din po mapagtanggol ka niya. Kayo po ang parents ng bata kaya normal po na you want what's best for your child. Kung sa palagay mo mamsh mas nakakabuti na doon kayo tumira ni baby sa inyo, go for it. Pero mas mabuti din ipaintindi sa family ng hubby mo para rin hindi ka na mastress kung lagi silang nag chchat sayo. 😅 You need to speak up mamsh. Wag palagi idaan sa mga excuses. God bless. 🙏

Đọc thêm
5y trước

Sge2 po thanks