baby

Bakit kaya madilaw si baby? 3 weeks na sya, napapaarawan naman pero ganyan pa rin. Baby sya ng sister in law ko.

baby
122 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Sis pa check up mo na si baby kasi yung baby ko kasi same yung case mas lala pa kasi di nga naaarawan. Niresitahan siya nang med na ihalo mo sa water, tapos yung cause nang paninilaw ni baby itatae lang niya.

Pacheckup nyo po mommy, bka need icheck ang bilirubin level nya. Yung baby ko din madilaw nung 1st at 2nd week nya. Consistent feeds po at pagpapaaraw para maidumi po ang bilirubin, eventually nawala din po.

Jaundice po yan pag naninilaw ng skin ni baby ganun din po c baby ko nawala din po nung nag 1 1/2 months xia pero sa case po ni baby nio pacheck up nio nlng po kc napansin ko ung eyes nia madilaw din po...

Yung baby ko after 4 days nawala na yung paninilaw ng mata. Pinaarawan lang namin ng 1hr. Na alarma din ako noong una kasi GDM ako at baka epekto yun sa baby. Pero thanks God. Di na siya naninilaw ngayon.

Tyagaan nio mommy ang papaaraw sa kaniya. Nung naconfine baby ko sabi sakin ng pedia may epekto daw yang paninilaw sa baby lalo na daw kapag umabot sa utak baka daw maging retarded ang bata

Di po yan normal mamsh . Si baby ko jaundice din pinailawan nila nung inadmit sya 1 day lang kase d naman malala. Si baby nyo po malala pati kase yung mata gaya nung nakasabayan namin noon .

5y trước

Wala po kami binayaran mamsh 1 day lang sya nag photo therapy and 7 days sya nag antibiotic kase d pa nadry yung pusod nya noong 9 days sya mamsh. Bale 9 days kami sa hosp. Around 11k ang bill po wala po kaming binayaran may philhealth po kase ako indigent. Yung pang araw araw lang po ang magastos gaya po ng kga pagkain at pamasahe po .

Baka may sepsis si baby na kailangan mag antibiotic. Ganyan baby ko, may sepsis laya madilaw. 14 days kami sa hospital buong 14 days mag antibiotic sya, tapos ayun magaling na sya😊

Tiki-tiki lang yan mommy 😊 My first born is ganyan din. Midyo matagal kung pinapaarawan c baby pero tiki-tiki is very effective. Napadali pagkawa nang ganyan ni baby 😊😊😊

Paano ba sya napapaarawan, with clothes on? Try nyo na walang damit, 15 min everyday lalo na yung likod nya. Kahit makulimlim, ilabas pa rin ng bahay kahit hindi na hubaran.

Jaundice. Kind of medical condition where in naninilaw si baby. Sabi ng Pedia dati kapag ang blood type ng nanay ay O dapat daw monitor si baby kapag nanilaw balik daw.