Bakit ganun mga mommy? Everytime na magpapacheck up ako di man sure pero sinasabi ng dalawang OB ko na baka daw okay na na nakacephalic presentation na si baby kase kada check up ko nasa may baba na yung heartbeat means nandun na yung head tsaka yung kick niya nasa may taas na kaya kala ko ayos na. Kanina nagpacheck up ulit ako ayos naman di na daw siguro breech. 27 weeks kase ako nun nung nalaman na nakabreech si baby tapos naisipan namin ng hubby ko na magpaultrasound na kanina para malaman na rin yung gender 33 weeks na perk nakabreech pa din daw si baby ? nagtataka ko bakit ganun nasa left yung heartbeat nung nagpacheck up ako tapos nasa may bandang baba na pero nung dumiretso na kami sa diagnostic biglang breech pa din tapos nasa may right side na. Di ko alam kung ang likot lang sobra ni baby pero gustong gusto kong magnormal since first baby ko at 19 years old pa lang po ako ? Need advice kung iikot pa po siya ???