Meet My Baby Boy
Baby John Theo V. Baris E.D.D: October 16,2020 D.O.B: September 29,2020 Time of Birth: 4:25 a.m via NSD Weight: 4.11 kgs. Sharing my Birth Story Sep 27, 2020 (Sunday) Nagstart ng sumakit ang balakang at puson ko pero keri pa naman kase hindi naman talaga sobrang sakit, uminom na din ako pineapple tapos naglakad simula samin hanggang sa baranggay hall namin hanggang sa pag-uwi lakad para matagtag. Sep 28, 2020 (Monday) Lalong dumoble yung sakit pero pasumpong-sumpong, nakalabas pa ako para maghatid ng pera dun sa mga deniliver ko na grahams, inaway ko pa nga asawa ko nung time na yun kase puro ML. pagkauwi ko pinagpapawisan na ako ng malala. wala na din ako ganang kumain at lalong sumasakit yung puson at balakang ko. pabalik-balik din ako sa CR kakaihi. Mga bandang hapon, nagsabi na ako sa mama ko na pumunta na kami ng hospital para malaman ko kung ilang cm nako. pinainom muna nila ako ng itlog na hilaw para daw pampadulas at hindi ako mahirapan, yung lola ko kinapa yung baby bump ko kung lalabas naba talaga sya then sabi nya hindi pa raw kase mataas pa, hindi nya daw makapa yung ulo ng baby ko (breech po kase sa lahat ng ultrasound ko) sabi nya aabutin pa raw ako ng umaga sa paglalabor at dun lang ako manganganak. Mga 5:20 p.m sakto kaming umalis kasama asawa ko para maghanap ng hospital kung saan ako tatanggapin. Una namin pinuntahan ay Jose Reyes pero hindi pa kami nakakapasok sa loob hinarang na kami na dahil puno daw sila. marami din mga buntis sa labas na naghihintay nung araw na yun. Sunod na pinuntahan namin is Fabella, btw nakataxi kami nun and sobrang traffic. back na tayo sa topic😂So nasa tapat ng Fabella na po kami pero hinarangan po ulit kami at may pinakita samin na papel (nakasaad daw po dun sa papel na yun na hindi sila tatanggap muna ng pasyente dahil nasa proseso sila ng pagdidisinfect. kaya umalis na lang kami Last na pinuntahan namin is QCGH pinaalis ko na yung taxi pagkabayad ko kase ang buong akala ko tatanggapin nila ako dahil dun ako nirerecommend ng center namin. pero sinabi saken na wala na silang available bed for me kase puno na din sila kaya pinakiusapan na lang ng mama ko na IE na lang ako para malaman kung ilan cm nako. Pagka IE saken wala pa raw cm and close cervix pa raw ako so umuwi na lang kami naglakad kami kase malapit lang naman brgy pwede magpaservice. Nag-aya ako kumain kase sobrang gutom na din ako kaya naglugaw kami, inasar pa ako ng mama ko na baka gutom lang raw nararamdaman ko kaya masakit tyan ko. nakauwi kami mga bandang 8:25 p.m lakas pa ng ulan nun. Akala ko okay na lahat kase kumain pa nga ako pagkadating ko sa bahay ng asawa ko 11:06 p.m matutulog na sana ako ng nakaramdam ulit ako ng sakit. Hindi na ako mapalagay lahat ng higa ginawa ko na nagtuwad-tuwad pa ako baka sakaling mawala yung sakit. pumunta nako sa mama ko at umalis kami nagpaservice kami sa brgy para minus gastos. Malas siguro talaga ako nung araw na yun kase 8 Public Hospital tinanggihan ako at hindi ako tinanggap kase nagdidisinfect sila. Sobrang natataranta na asawa ko dahil wala nganga tumatanggap samin. simula 11:30 p.m hanggang 3:11 a.m kami naghahanap ng mapapanakan ko Last na pinuntahan namin is clinic sa dimasalang doon tinanggap ako kase naawa na siguro saken dahil ilan oras na nga kami naghahanap. pagkapasok ko IE agad, 5-6 cm pa lang raw ako at close cervix hindi pa din pumuputok panubigan ko at walang lumalabas saken kahit ano. kaya pinagLabor muna nila ako. Sobrang sakit pabalik-balik ako sa CR habang yung asawa ko nagML, laging AFK kase inaalalayan nya ako sa paglalabor😂nagrarank pa man din. Nung diko na talaga kaya yung sakit pinatawag ko na yung magpapa-anak saken IE nila ako 7cm pa lang pero pina-akyat na nila ako sa Delivery Room at doon pinagLabor. Lahat ng santo tinawag ko. Dumating pa ako sa point na nangako ako na Hindi na uulit😂😂 and ayun na nga lumabas na sya, ang sarap sa pakiramdam kase nakahinga ka ng sobrang ginhawa. 2 weeks and 1 day na sya now, and i'm so blessed kase nakaraos na din ako. at sa mga mommy na manganganak dyan wag kalimutan magpray🙏 Gob Blessed you All, Thanks sa pagbabasa🤗 #1stimemom #firstbaby #theasianparentph
Mother of John Theo